Friday, February 28, 2014

Paul Lee, Dilinger, Marcio Lassiter and Greg Slaughter added to Gilas Team

Dahil malapit na ang FIBA World Cup, inanunsyo na ni Coach Chot Reyes ang mga players na kanyang idaragdag sa original 12 pool players ng Gilas Pilipinas.

Ito ay sina Paul Lee, Jared Dilinger, Greg Slaughter at Marcio Lassiter para buuin ang 17 man pool ng Gilas. Kasama rin dito ang hindi napiling si Beau Belga ng Rain or Shine.

Ngunit marami ang nagtataka, bakit hindi kabilang rito ang Finals MVP na si Barroca?

Isa lang ang naging tugon ni Coach Chot Reyes, ang 12 man ng Gilas Pilipinas na binuo dati ang para labanan ang mabibilis na back court ng South Korea.

Pinangungunahan ito nina L.A. Tenorio, Jimmy Alapag at Jayson Castro na kitang kita naman na talagang naging major factor ng laban.

Ngayong laro sa Spain para sa FIBA World Cup, iba na ang labanan, mas malalaki mas mabibilis ang mga kalaban.

Kailangan di umano ni Coach Chot Reyes nang malaking guards na mabibilis na kayang tumapat sa malalaking guards ng mga kalaban.

Umasa na lang tayo na pipiliin talaga ni Coach Reyes ang nararapat upang kahit papaano ay hindi naman tayo maging laruan ng ibang mga bansang kasali sa FIBA World Cup.

Kahit anong mangyari, proud pa din tayong mga pinoy at muli tayong nakabalik sa prestihiyosong patimpalak na ito na tanging mga bansa lamang na magagaling ang nakakapasok.

We should be proud who ever plays to Gilas Pilipinas!

Gilas Pilipinas Player Pool for 2014 FIBA World Cup and 2014 Asian Games
-Jimmy Alapag, Jayson Castro, Ranidel De Ocampo, and Larry Fonacier (Talk ‘N Text)
-Beau Belga, Jeff Chan, Paul Lee, and Gabe Norwood (Rain or Shine)
-Japeth Aguilar, Greg Slaughter, and LA Tenorio (Ginebra)
-Gary David and Jared Dillinger (Meralco)
-June Mar Fajardo and Marcio Lassiter (San Miguel Beer)
-Marc Pingris (San Mig Coffee)
-Marcus Douthit
-Andray Blatche (Pending Naturalization Process) - See more at: http://www.smartgilasbasketball.com/news/chot-reyes-adds-slaughter-lee-lassiter-dillinger-to-gilas-pilipinas-player-pool/#sthash.cvhzaIIx.dpuf

Wednesday, February 26, 2014

RoS vs Mixers Game 6 Review

Nagumpisa ang laro ng mainit ang laban. Pumutok agad ang San Mig Coffee para ibandera ang 8-0 lead laban sa Rain or Shine.

Lamang ang Mixers sa score na 30-17 nang matapos ang unang yugto ng labanan.

Ngunit di pa man nagiinit ang simula ng second quarter ay muling uminit ang laro hindi lamang sa mga players kundi pati na rin ang buong bench players at coaching staff ng Rain or Shine matapos ang tawag ng foul kay JR Quinahan na hindi sinang-ayunan ng ng RoS.

Kinausap ni Commissioner Chito Salud ang team manager ng Rain or Shine at binigyan lamang sila ng labin limang minuto (15 minutes) para lumabas ng huddle at ituloy ang laro, otherwise mafoforfeit ito at tatanghaling kampeon ang Mixers.

Nabigyan ng warning ang RoS dahil dito at muling itinuloy ang laro.

Mula roon ay pinoste ng Mixers ang 17 point lead hanggang sa ang RoS naman ang mag-init at idikit ang lamang sa 6 matapos ang half time. Ang score ay 49-43.

Sa pagsisimula ng 3rd quarter, parehong ayaw patalo ng dalawang koponan ngunit mas nananaig ang gigil ng RoS at ibinaba ang kalamangan sa isa 51-50.

Nasungkit naman ng RoS ang kalamangan matapos ang tres ni Tiu na nagbigay ng 62-60 lead para sa Mixers kasunod ang tres ni Paul Lee para sa 65-62 na kalamangan.

Natapos ang 3rd quarter sa score na 67-66 lamang ang RoS by just only 1 point.

Sa pagpasok ng 4th quarter ay pumutok ang rookie na si Ian Sangalang para sandalan ng Mixers para sa 77-70 na kalamangan at 15 puntos para kay Sangalang.

Ngunit hindi nagpatinag ang angas ng tondo at muling idinikit ang laro sa 81-78.

Muling pumutok si Mark Barocca na nagtala ng 22 puntos 8 rito ay sa last two minutes upang ibigay ang kalamangan sa 91-86.

Pilit naman inilapit ito ni Belga sa isang foul counted at isang 3 point shot.

Isang error naman ang nagawa ni Paul Lee ng mabitawan ang bola sa side line matapos ang mahigpit na depensa ni Pingris.

May natitira pang 31.2 segundo bola ng Mixers.

Foul kay Barocca at isinablay ang uangn free throw. Lamang ng anim ang Mixers 92-86 on top by 6 points.

Time out RoS with 29.4 seconds remaining.

Natapos ang laro sa score na 93-87. Matapos ang isang technical foul kay Yeng Guiao ng bauthin ng bola ang referee.

Napanalunan na ni Tim Cone ang ika 16 na titulo, pinaka marami sa lahat ng mga naging coach.

Congrats San Mig Coffee Mixers!

Barocca Finals MVP! =D 12.o pts, 2.7rebs average =D Congrats!

Wednesday, February 12, 2014

Meet the contenders of Azkals on 2014 AFC Challenge Cup

The Philippine Azkals are in Group B and will face the elimination with Turkmenistan, Laos, and Afghanistan, for the 2014 AFC Challenge Cup, after the draw was conducted Wednesday, at the Paradise Island Resort in the Maldives.

The 2014 AFC Challenge will be from May 19-30 in Maldives. The winner of the competition will qualify to the 2015 AFC Asian Cup.

On the current FIFA rankings, the Philippines is actually the best squad in the tourney at 17th in Asia. Turkmenistan is 19th, Laos is 29th, and Afghanistan is 23rd.

Here are the result of the draws;

2014 AFC Challenge Cup Draw Results:

Group A

Maldives
Myanmar
Kyrgyzstan
Palestine

Group B
Turkmenistan
Laos
Afghanistan
Philippines

Go Azkals! Go for it!

Gin vs Mixers Game 7 review

Natapos ang half time ng labang Ginebra Gin Kings at San Mig Coffee sa score na 44-57 kung sa lamang ang huli ng labin tatlong puntos.

Sa pagpasok ng 3rd quarter mainit ang bawat koponan na kapwa gusto tapusin ang laban ng panalo ang kanilang team.

Muling nailapit ng Gins ang score sa  60-70 sa ika 2:56 minuto ng laro ng makalibre si Japhet para maidunk ang bola at magbigay ng enerhiya sa nanglulumong Ginebra.

Natapos ang score sa 3rd quarter sa 67-79. Lamang ng labing dalawa ang Mixers.

Sa pagpasok ng 4th quarter, muling inilayo ng Mixers ang score sa 67-83 buhat sa 3 point play ni PJ Simon.

Ngunit hindi sumusuko si Mark Caguiao at kusa niyang hinahanapan ng apg-asa ang sobrang tamlay sa depensang Ginerbra.

Ngunit hindi ito kaya ng mag-isa ni MC, kailangan niya ng tulong. Kailangan niya ng suporta.

Walong minuto pa ang natitira ngunit 16 pa rin ang lamang ng Mixers. Sobrang init ng kamay ni James Yap, sa muling tres nito para ibigay ang 92-75 na kalamangan.

94-80 wala ng 6 na minuto ang natitira nang makabuslo si Slaugther. Ngunit dinagdagan ito ni PJ Simon sa huling buslo para magtala ng 24 na puntos.

Last 2 minutes na, patapos na ngunit mas lalo pang natambakan ang Gins sa score na 105-84.

Tambak.

Puro sablay sa tres, samantalang ang Gins, parang may harang ang ring at hindi makapuntos sa 3 point line.

Banderang tapos ika nga, James Yap with 30 points, Pj Simon with 28 points, silang dalawa ang pumatay sa depensa ng Gins. Teka Meron nga ba?

Swerte talaga sa tres, maski si Mallari umiskor pa sa tres wala ng isang minuto ang natitira.

Nasayang si Slaughter. Nasayang si Aguilar. Puro ikot ng tao. Puro palit. Wala namang depensa. Wala rin. Ikaw nga, nasan ang puso, wala ka namang ginagawa.

Tsk tsk tsk.

Natapos ang career ng top seeded team na Ginebra Gin Kings sa score na  110-87

Maghaharap ang Mixers at Ros sa Biyernes para sa kanilang Game 1 sa best of seven series pa rin.

Para sa Gins, bawi next season. Palitan na kaya si Ato? Sayang yung dalwang bigman. Oh talagang mahigpit lang ang depensa?

Congrats Mixers! Muli mong pinatunayan ang pagiging MVP mo James. Astig ka ngayong Game 7. Pero magawa mo kaya yan sa RoS?

Tignan natin.

Tuesday, February 11, 2014

Andray Blatche's past, is this what Gilas wants?

Nakumpirma mula mismo kay Gilas coach Chot Reyes na hindi na kasama si McGee sa posibleng gawin naturalized player ng Gilas Pilipinas.

Ito ay dahil umano sa kasalukuyang injury nito na nakatakdang operahan at nangangailangan ng mahabang pahinga pagkatapos.

Natira na lamang sa pinupuntirya ni Chot ang Brooklyn Center na si Andray Blatche. Nasa kongreso na ang apela upang gawing naturalized player itong si Blatche.

Ngunit sino nga ba ito?

Si Andray Blatche ay nag aaverage nang 12 points per game, 6 rebounds at willing na maglaro sa Pilipinas ayon kay coach Chot.

Wala na nga sigurong iba. Dahil na rin siguro sa iksi na ng natitirang panahon at kailangan pa nilang magensayo ng husto.

Si Blatche ay nagkaroon ng insidenteng carjacking attempt noong 2005 sa Alexadra, Virginia. Bukod pa rito at nacharge din sa kasong sexual solicitation sa Logan Circle neighborhood nf Washington, D.C. matapos ang allegedly solicitating sex sa isang undercover police officer noong 2007.

Nang sunod na taon naman ang naaresto itong si Blatche sa Virginia sa kasong reckless driving at pagmamaneho ng suspendidong lisensya.

Tanong.

Hindi ba sya karapat dapat maging isang naturalized Filipino Citizen?

Hindi ba niya aabusuhin ang pagkapilipinong ibibigay sa kanya kung saka sakali.

Huwag natin syang husgahan, pero kailangan din naman nating pag aralan.

Sa aking palagay, huwag tayong magpadalos dalos sa pagkuha ng ating gagawing naturalized player. Sana ay pagaralan pa ito ni coach Chot Reyes ng mabuti.

Oo nga't kailangan natin ng bigman sa laro. Hindi ba pwedeng itrain ng husto si Junmar at Slaughter para mas lumakas sila at mapakinabangan?

Hindi yung naka focus tayo sa ibang tao para manalo. Time to put our very own first instead of others.

Sunday, February 9, 2014

NAPOLCOM Opens Online Registration

Sa araw na ito ay muling binuksan ng pamunuaan ng NAPOLCOM (National Police Commission) ang kanilang dalawng beses sa isang taon na Online Registration para sa mga aspiring applicants ng PNP (Philippine National Police).

Sa mga gustong mag On line Registration ay maaring pumunta sa kanilang website na www.napolcom.gov.ph para mag rehistro o magpatala.

Ang registration date ay magsisimula ngayong araw hanggang sa ikaw -14 ng pebrero ng kasalukuyang taon. Samantalang sa susunod na linggo February 17, 2014 hanggang February 21, 2014 naman ang simula ng Registration para sa promotional rankings ng mga pulis na.

Ang period of filing ay simula sa March 3-28, 2014. Ang exam naman ay sa April 27, 2014.

Maari ring pumunta ng diretso sa link na ito.

Thursday, February 6, 2014

"Maging Faithful po tayo" : Natutunan ni Vhong Navarro sa mga pangyayari sa buhay nya

TUnghayan ang interview ni Korina Sanchez kay Vhong Navarro matapos makalabas ito sa St. Luke's at dumiretso sa DOJ para pirmahan ang sinumpaang salaysay nito laban kila Deniece Cornejo, Cedric Lee at mga kasama nito.

credits to ABS CBN News

Wednesday, February 5, 2014

Vhong Navarro lumabas na ng Ospital para lagdaan ang statement

Vhong Navarro lumabas na ng ospital para pirmahan at manumpa sa kanyang statement hinggil sa kasong pangbubugbog sa kanya nila Cedric Lee at mga kasama nito.

credits to ABAS CBN News

Monday, February 3, 2014

Deniece Cornejo may mensahe para kay Vhong Navarro

Pahayag ni Deniece Cornejo para kay Vhong Navarro sa Startalk noong sabado hinggil sa kanilang gulong kinasasangkutan.

credits to Startalk.

Related Posts Plugin for WordPress, Blogger...

Design by Wordpress Theme | Bloggerized by Free Blogger Templates | coupon codes