Sunday, June 22, 2014

MMFF 2014 Entries: Puro Part 2?

Walong pelikula ang pasok para sa gagawing Metro Manila Film Festival 2014 ang inaprubahan ng MMFF Chairman Francis Tolentino.




Kasama sa mga pelikulang ito ang;


"Bonifacio Gusto Mo Ba Siya Makilala?" (Historical Action), "English Only Please" (Romance Comedy), "Feng Shui 2" (Horror), "Kubot: The Aswang Chronicles 2" (Action Fantasy Adventure), "Magnum Magnum .357" (Action), "My Big Bossing's Adventures" (Comedy), "Praybeyt Benjamin 2" (Comedy) and "Shake, Rattle and Roll 15" (Horror).

Sa walong entries na ito, nagkaroon ng mga sequel ang ibang mga pelikula katulad na lamang ng highest grossing movie ni Vice Ganda ang "Praybeyt Benjamin 2, "Kubot: The Aswang Chronicles 2 na ginawan ng sequel matapos maipalabas ang Tiktik: The Aswang Chronicles na pinagbibidahan dati ni Ding Dong Dantes.

Nariyan din ang Feng Shui 2 na unang naging "Feng Shui" na pinagbibidahan ni Kris Aquino at ang walang kupas na "Shake, Rattle and Roll 15".

Naiba naman ang pelikula ngayon ni Bossing kung saan sya na mismo ang titulo na My Big Bossing's Adventure na halos nung nakaraang taon naman ay My Little Bossings ang palabas.

Totoo nga ba na puro recycled ang mga ito? Kung totoo nga, sana naman kahit recycled ay may katuturan naman ang palabas at hindi lang masayang ang perang ipangbabayad dito.

Gumising naman sana ang pelikulang pilipino na hindi puro pera lang ang isa-isip kundi pati na rin ang kalidad ng mga ginagawang pelikula.

Wag ng puro pera, paki-ayos naman sana.



0 comments:

Post a Comment

Related Posts Plugin for WordPress, Blogger...

 
Design by Wordpress Theme | Bloggerized by Free Blogger Templates | coupon codes