Tuesday, June 3, 2014

41 tao sugatan sa pagsabog ng LPG sa Tondo Maynila

Apat na pu't isa (41) na ang bilang ng mga taong nasugatan dulot ng pagsabog ng LPG sa Tondo Maynila. Ayon sa mga bumberong nag-iimbestiga wala naman di umanong nakitang tagas sa hose nito kung kayat posibleng ang tanke na mismo ang may problema.

Sa isang panayam sa dalawang sugatan narito ang kanilang mga pahayag;

Rodante Lusabio - "pagdaan ko narinig ko na lang may sumisigaw na LPG LPG, hanggang sa paglabas namin sumabog na po at nalapnos na  po ako.

naamoy ko po talga na singaw n LPG. sobrang lakas po ng singaw kasi bagong bili po yung LPG po nila."

Sana po mabigyan po kami ng gamot, kasi yung reseta po ay sobrang mahal. wala po kaming pang bili ng gamot."

Samantalang ang isa pa ay nagpahayag at humingi ng tulong; 

Nanetter Altiso - "sana po may maawa kahit magbigay lang po ng pangpahitd. napakalaking halaga eh,di po kaya naming bilhin. wala po kaming pera.

Nasa loob po ako ng bahay, dumalaw po ako sa pamangkin ko. may biglang pumasok na babae dun sa bahay namin kaya nadikit sa akin at nasunog din ako."

Wala naman ibang nasabi si Chairman kundi;

Chairman Bong Parce Brgy 20 ZOne 2 District 1 Maynila, nagpahatid na po si Mayor at Vice Mayor kaya nagpapasalamat po ako sa kanila at nangako rin po sila ng medical assistance para sa mga nasugatan.

Samantalang lima (5) naman ang kumpirmadong namatay.


0 comments:

Post a Comment

Related Posts Plugin for WordPress, Blogger...

 
Design by Wordpress Theme | Bloggerized by Free Blogger Templates | coupon codes