Monday, May 12, 2014

Mga eskwelahan na naaprubahang magtaas ng tuition fee ilalabas ngayong buwan

Tinatayang nasa mahigit 300 eskwelahan sa buong bansa ang nagpasa ng kanilang aplikasyon para magtataas ng tuition fee ngayong susunod na pasukan.

Ayon din sa CHED, 350 ang kabuuang bilang ng nagsubmit pinaka marami sa maynila na may 74 eskwelahan.

Nagrally naman ang anakbayan sa mendiola na nais ipatigil ang pagtataas na ito.

Sa nakaraang taon, may kabuuang 1,653 eskwelahan ang nagpasa ng aplikasyon ngunit 354 lamang sa mga ito ang pinayagan at inaprubahan.

Halos P37.45 lamang kada unit ang idinagdag rito.

Ilalabas naman ngayong buwan CHED ang mga maaprubahan, at inaasahang susunod ang mga ito sa napagkasunduang pagtataas.



0 comments:

Post a Comment

Related Posts Plugin for WordPress, Blogger...

 
Design by Wordpress Theme | Bloggerized by Free Blogger Templates | coupon codes