Thursday, April 10, 2014

Pacman lamang pa rin sa pustahan sa Las Vegas

Lamang pa rin at napakalayo ng pustahan ng mga tao para sa nalalapit ng laban ni Manny Pacquiao at Timothy Bradley sa Las Vegas Nevada sa linggo April 13, 2014 araw sa Pilipinas.

Umaabot sa -250 si Manny Pacquiao at +200 naman si Bradley. Dahil rito, ang taong tataya kay Pacquiao y kailangang magbayad ng $250 dollars para manalo ng $100 lamang.

Samantalang ang tataya naman kay Bradley ng $100 ay tatama ng $200. Doble kung tutuusin.

Ganyan kalyamado si Pacman sa nalalapit nilang muling pagtutuos. Hindi naman magiging kumpyansa si Pacquiao dahil wala umano sa digits agn kayang ikapapanalo.

Si Bradley naman ay naniniwalang hindi aabot sa 12 rounds ang kanilang laban dahil umano sa malaking pagbabago nito at makikita raw ito ng mga tao sa linggo.

Noong 2012, sa kanilang unang laban ay -450 si Pacquiao at +325 naman si Bradley. Mas malaki kaysa sa pustahan ngayon bukod na rin ng kanyang 2 beses na pagkakatalo at pagiging unbeaten ni Bradley.

Umaasa ang lahat ng pinoy sa magiging laban ni Pacquiao, at umasa tayong lahat na gagawin ni Manny ang lahat para maipanalo ang laban at mailagay muli sa tuktok ang bansang Pilipinas sa larangan ng boksing.

Go Manny! We support you all the way!



0 comments:

Post a Comment

Related Posts Plugin for WordPress, Blogger...

 
Design by Wordpress Theme | Bloggerized by Free Blogger Templates | coupon codes