Monday, April 14, 2014

NAIA: Bantay sarado para sa mga pumapasok sa bansa sa sakit na MERS-COV

Bantay sarado ngayon ang NAIA para sa mga pumapasok sa bansa ngayong panahon ng semana santa. Ito'y dahil na rin sa kumakalat na na MERS-COV na sakit na kumakalat ngayon sa gitnang silangang mga bansa.

Dalawang pilipino na ang nasawi sa sakit na ito at ayon kay ASEC Charles Jose ang Spokesperson ng DFA ay nasa Abu Dhabi na ang mga kapamilya nito at napagkasunduan ng icremate and labi nito

Karaniwang ubo, sipon at lagnat ang mga sintomas nito katulad ng trangkaso. Ngunit nauuwi ito sa Kidney Failure at Atake sa puso na ikinamamatay ng mga tinamaan nito.

Sa buong bansa ay mayroon ng 200 tao ang tinamaan nito at 92 tao na ang namatay dahil dito.

Ang mga makikitang may lagnat na papasok sa bansa ay iququarantine ng 5 araw upang matiyak ang kaligtasan ng mga mamayan sa bansa.

0 comments:

Post a Comment

Related Posts Plugin for WordPress, Blogger...

 
Design by Wordpress Theme | Bloggerized by Free Blogger Templates | coupon codes