Monday, March 24, 2014

Bus slips down at SLEX leaving 40+ injured

Mahigit sa apat na pung tao (40) ang nasaktan sa pagkakadulas at pagtagilid ng isang bus sa north bound lane ng South Luzon Expressway (SLEX) umaga ngayon lunes.

Ang naturang bus ay ang Southern Carrier Bus na galing Lipa, Batangas na papuntang LRT station sa Taft kaninang 6:45AM na malapit sa Sta. Rosa exit sa Laguna.

Bumigat ang daloy ng trapiko sa lugar kung saan isa isang nilapatan ng paunang lunas ang mga nasaktan at dinala ang karamihan sa pinaka malapit na ospital.

Nakunan pa ng video ang nasabing aksidente na wala namang namataang naging dahilan ng pagsadsad nito. 

Samantala, iniulat ng mga imbestigador na nakakita sila ng mga bote ng alcohol at mga drug paraphernalia sa loob ng bus na hinihinalang gamit ng drayber nito.

Namataan din may isang lalaking nakabag ng pula ang dalidaling sumakay ng isa pang bus na papaprating at inaalam pa ng mga pulisya kung ito nga ang nasabing drayber na tumakas.

Wala namang nai-ulat na nasawi sa aksidente at inako naman ng kumpanya ng bus ang lahat ng gastusin ng mga naapektuhan.




0 comments:

Post a Comment

Related Posts Plugin for WordPress, Blogger...

 
Design by Wordpress Theme | Bloggerized by Free Blogger Templates | coupon codes