Wednesday, February 26, 2014

RoS vs Mixers Game 6 Review

Nagumpisa ang laro ng mainit ang laban. Pumutok agad ang San Mig Coffee para ibandera ang 8-0 lead laban sa Rain or Shine.

Lamang ang Mixers sa score na 30-17 nang matapos ang unang yugto ng labanan.

Ngunit di pa man nagiinit ang simula ng second quarter ay muling uminit ang laro hindi lamang sa mga players kundi pati na rin ang buong bench players at coaching staff ng Rain or Shine matapos ang tawag ng foul kay JR Quinahan na hindi sinang-ayunan ng ng RoS.

Kinausap ni Commissioner Chito Salud ang team manager ng Rain or Shine at binigyan lamang sila ng labin limang minuto (15 minutes) para lumabas ng huddle at ituloy ang laro, otherwise mafoforfeit ito at tatanghaling kampeon ang Mixers.

Nabigyan ng warning ang RoS dahil dito at muling itinuloy ang laro.

Mula roon ay pinoste ng Mixers ang 17 point lead hanggang sa ang RoS naman ang mag-init at idikit ang lamang sa 6 matapos ang half time. Ang score ay 49-43.

Sa pagsisimula ng 3rd quarter, parehong ayaw patalo ng dalawang koponan ngunit mas nananaig ang gigil ng RoS at ibinaba ang kalamangan sa isa 51-50.

Nasungkit naman ng RoS ang kalamangan matapos ang tres ni Tiu na nagbigay ng 62-60 lead para sa Mixers kasunod ang tres ni Paul Lee para sa 65-62 na kalamangan.

Natapos ang 3rd quarter sa score na 67-66 lamang ang RoS by just only 1 point.

Sa pagpasok ng 4th quarter ay pumutok ang rookie na si Ian Sangalang para sandalan ng Mixers para sa 77-70 na kalamangan at 15 puntos para kay Sangalang.

Ngunit hindi nagpatinag ang angas ng tondo at muling idinikit ang laro sa 81-78.

Muling pumutok si Mark Barocca na nagtala ng 22 puntos 8 rito ay sa last two minutes upang ibigay ang kalamangan sa 91-86.

Pilit naman inilapit ito ni Belga sa isang foul counted at isang 3 point shot.

Isang error naman ang nagawa ni Paul Lee ng mabitawan ang bola sa side line matapos ang mahigpit na depensa ni Pingris.

May natitira pang 31.2 segundo bola ng Mixers.

Foul kay Barocca at isinablay ang uangn free throw. Lamang ng anim ang Mixers 92-86 on top by 6 points.

Time out RoS with 29.4 seconds remaining.

Natapos ang laro sa score na 93-87. Matapos ang isang technical foul kay Yeng Guiao ng bauthin ng bola ang referee.

Napanalunan na ni Tim Cone ang ika 16 na titulo, pinaka marami sa lahat ng mga naging coach.

Congrats San Mig Coffee Mixers!

Barocca Finals MVP! =D 12.o pts, 2.7rebs average =D Congrats!


 







0 comments:

Post a Comment

Related Posts Plugin for WordPress, Blogger...

 
Design by Wordpress Theme | Bloggerized by Free Blogger Templates | coupon codes