Wednesday, February 12, 2014

Gin vs Mixers Game 7 review

Natapos ang half time ng labang Ginebra Gin Kings at San Mig Coffee sa score na 44-57 kung sa lamang ang huli ng labin tatlong puntos.

Sa pagpasok ng 3rd quarter mainit ang bawat koponan na kapwa gusto tapusin ang laban ng panalo ang kanilang team.

Muling nailapit ng Gins ang score sa  60-70 sa ika 2:56 minuto ng laro ng makalibre si Japhet para maidunk ang bola at magbigay ng enerhiya sa nanglulumong Ginebra.

Natapos ang score sa 3rd quarter sa 67-79. Lamang ng labing dalawa ang Mixers.

Sa pagpasok ng 4th quarter, muling inilayo ng Mixers ang score sa 67-83 buhat sa 3 point play ni PJ Simon.

Ngunit hindi sumusuko si Mark Caguiao at kusa niyang hinahanapan ng apg-asa ang sobrang tamlay sa depensang Ginerbra.

Ngunit hindi ito kaya ng mag-isa ni MC, kailangan niya ng tulong. Kailangan niya ng suporta.

Walong minuto pa ang natitira ngunit 16 pa rin ang lamang ng Mixers. Sobrang init ng kamay ni James Yap, sa muling tres nito para ibigay ang 92-75 na kalamangan.

94-80 wala ng 6 na minuto ang natitira nang makabuslo si Slaugther. Ngunit dinagdagan ito ni PJ Simon sa huling buslo para magtala ng 24 na puntos.

Last 2 minutes na, patapos na ngunit mas lalo pang natambakan ang Gins sa score na 105-84.

Tambak.

Puro sablay sa tres, samantalang ang Gins, parang may harang ang ring at hindi makapuntos sa 3 point line.

Banderang tapos ika nga, James Yap with 30 points, Pj Simon with 28 points, silang dalawa ang pumatay sa depensa ng Gins. Teka Meron nga ba?

Swerte talaga sa tres, maski si Mallari umiskor pa sa tres wala ng isang minuto ang natitira.

Nasayang si Slaughter. Nasayang si Aguilar. Puro ikot ng tao. Puro palit. Wala namang depensa. Wala rin. Ikaw nga, nasan ang puso, wala ka namang ginagawa.

Tsk tsk tsk.

Natapos ang career ng top seeded team na Ginebra Gin Kings sa score na  110-87

Maghaharap ang Mixers at Ros sa Biyernes para sa kanilang Game 1 sa best of seven series pa rin.

Para sa Gins, bawi next season. Palitan na kaya si Ato? Sayang yung dalwang bigman. Oh talagang mahigpit lang ang depensa?

Congrats Mixers! Muli mong pinatunayan ang pagiging MVP mo James. Astig ka ngayong Game 7. Pero magawa mo kaya yan sa RoS?

Tignan natin.





0 comments:

Post a Comment

Related Posts Plugin for WordPress, Blogger...

 
Design by Wordpress Theme | Bloggerized by Free Blogger Templates | coupon codes