Tuesday, February 11, 2014

Andray Blatche's past, is this what Gilas wants?

Nakumpirma mula mismo kay Gilas coach Chot Reyes na hindi na kasama si McGee sa posibleng gawin naturalized player ng Gilas Pilipinas.

Ito ay dahil umano sa kasalukuyang injury nito na nakatakdang operahan at nangangailangan ng mahabang pahinga pagkatapos.

Natira na lamang sa pinupuntirya ni Chot ang Brooklyn Center na si Andray Blatche. Nasa kongreso na ang apela upang gawing naturalized player itong si Blatche.

Ngunit sino nga ba ito?

Si Andray Blatche ay nag aaverage nang 12 points per game, 6 rebounds at willing na maglaro sa Pilipinas ayon kay coach Chot.

Wala na nga sigurong iba. Dahil na rin siguro sa iksi na ng natitirang panahon at kailangan pa nilang magensayo ng husto.

Si Blatche ay nagkaroon ng insidenteng carjacking attempt noong 2005 sa Alexadra, Virginia. Bukod pa rito at nacharge din sa kasong sexual solicitation sa Logan Circle neighborhood nf Washington, D.C. matapos ang allegedly solicitating sex sa isang undercover police officer noong 2007.

Nang sunod na taon naman ang naaresto itong si Blatche sa Virginia sa kasong reckless driving at pagmamaneho ng suspendidong lisensya.

Tanong.

Hindi ba sya karapat dapat maging isang naturalized Filipino Citizen?

Hindi ba niya aabusuhin ang pagkapilipinong ibibigay sa kanya kung saka sakali.

Huwag natin syang husgahan, pero kailangan din naman nating pag aralan.

Sa aking palagay, huwag tayong magpadalos dalos sa pagkuha ng ating gagawing naturalized player. Sana ay pagaralan pa ito ni coach Chot Reyes ng mabuti.

Oo nga't kailangan natin ng bigman sa laro. Hindi ba pwedeng itrain ng husto si Junmar at Slaughter para mas lumakas sila at mapakinabangan?

Hindi yung naka focus tayo sa ibang tao para manalo. Time to put our very own first instead of others.




0 comments:

Post a Comment

Related Posts Plugin for WordPress, Blogger...

 
Design by Wordpress Theme | Bloggerized by Free Blogger Templates | coupon codes