Monday, April 29, 2013

Heat at Spurs pasok na sa Semis, Celtics humirit pa ng isa

Tinapos ng Miami Heat ang pagasa ng Milwaukee Bucks na muli pa silang makakabangon sa 3-0 lead nito para makapasok sa semis.

Nagtapos si Lebron James ng 30 puntos at 8 rebounds para pangunahan ang Heat. DUmagdag naman si Ray Allen ng 16 points mula sa 4/7 3point shooting. 

13 points naman si Haslem at 10 naman para kay Chris Bosh. Nagtapos ang laro sa score na 88-77.

Samantala sa sweep naman na ginawa din ng Spurs sa Lakers ay umiskor si Duncan ng 11 points at ang top scorer ng laro na si PArker ay may 23 puntos.

Nagtapos ang laro sa score na 103-82.

Sa isa pang laro ng New York at Celtics ay muling nagkaroon ng pagasa ang mga Greens. Tumapos man ng 36 puntos si ANthony ay hindi nito naibandera ang sweep laban sa Celtics na pilit pa rin lumalaban.

Nagtapos sa over time ang laro sa score na 97-90 ng umiskor si Pierce ng 29 points at nagdagdag si Jeff Green ng 26 at 18 naman kay Jason Terry.





Saturday, April 27, 2013

Ginebra unang kampay sa panalo

Sa muling pagpasok ng Brgy. Ginebra Gin Kings sa semi finals ay muli silang nakaisa bunga ng pagsilat nila sa 2nd seeded na Rain or Shine noong nakaraang laro.

Sumugod ang 14,627 na mga fans kagabi sa Smart Araneta Coliseum para mulign suportahan ang Barangay Gin Kings.

Hindi naman nadismaya ang mga fans dahil tinambakan ng GIn Kings ang Tropang Texter sa iskor na 104-81 sa pagsisimula ng kanilang Best of Five semi finals patungong Finals.

"I told them in the dugout, yung pinaghirapan natin sa first half, if were gonna let it go parang wala lang. I told them to stay humble and work hard. We beat a very strong organized team, we went out there just to play. Nakuha namin gusto naming mangyari." pahayag ni Coach Alfrancis Chua.

"For sure, TNT will come back, champion team yan. Were just gonna be ready kung anong bibigay nila sa amin." dagdag pa nito.

Bukas aasamin ng Gin Kings ang bentaheng 2-0 lead para sa Kampeonato sa Smart Araneta pa rin.



Lotto Result: April 26, 2013

Mega Lotto 6/45
21 - 09 - 22 - 40 - 01 - 39


4 Digit
6 - 2 - 2 - 9

3
Digit
3 - 5 - 9

EZ 2
05 - 11

Cebu Pacific: Sale of Approval!














Sale of Approval for P399 only. Visit Cebu Pacific website today and see your flight schedule at fares!




Thursday, April 25, 2013

Lotto Result: April 25, 2013

Super Lotto
25 - 37 - 35 - 12 - 09 - 45

Lotto
32 - 26 - 05 - 16 - 20 - 02

6 Digit
3 - 3 - 2 - 4 - 0 - 8

3 Digit
5 - 9 - 5

EZ 2
29 - 16

Wednesday, April 24, 2013

Inday Barreto ipinagtanggol si Claudine kay Greta

Muli na namang umusbong ang hidwaang magkapatid nina Gretchen Barreto at Claudine Barreto matapos maisapubliko ang binitiwang mga pahayag ni Mommy Inday Barreto.

Pinabulaanan nito ang mga patutsada ni Gretchen kay Claudine na ito ang basher na naninira sa pamangkin na si Julia Barreto (anak nina Marjorie at Dennis Padilla).

“Who did Claudine say it to… to you? Or did you make this up to put Claudine in trouble with Star Magic and make Julia’s big following angry with Claudine? You did that before,” pahayag ni Inday.

Kasunod nito ang paratang na nag-iisang "Teleserye Princess sa ABS-CBN si Claudine". At ang huli na sisirain ang career ng pamangkin.

“Next to Marjorie (Barretto, Julia’s mom), no one can love those (Marjorie’s children) more than Claudine!!!” Inday stressed.  She also told Gretchen not to make fools of the public since they know that “Claudine holds no power over the industry.” dagdag pa ni Mommy Inday.

Pinabulaanan din niya na si Claudine ay may sakit sa pag iisip, "mental torture" ang mas magndang itawag raw dito.

Dahil sa pang bubully o verbal abuse ni Greta sa pamilya ni Claudine. Tawag ba niaman niya kay Sabina ay "negra daughter of yours", kay Santino na "Abnoy" at kay Raymart na "bakla for not siding with you".

Sa huli, sinabi ni Mommy Inday na mas pinipili niya si Claudine na laging nandayan para sa kanya kaysa sa isang anak.

“I am letting go of a child now who never wanted me in order to save one who has always been there for all, and with all of her love – Claudine!”





Cebu Pacific: TruelaLOW!















For only just P399 for Domestic Flights only at Cebu Pacific!

Sale Period is up to April 26, 2013 or until seats last! 

Travel Period is from June 1, 2013 to August 31, 2013. Hurry now and visit Cebu Pacific.


Tuesday, April 23, 2013

23 Pangolins nasabat

Kamakailan lamang matapos sumadsad ang isang fishing vessel ng China sa Tubattaha Reef ay napagalamang mayroon itong humigit isang daang patay at frozen na mga pangolins na pinaniniwalaang nanggaling sa Palawan.

Ang mga Pangolin (Ant Eater) ay isa na sa mga "near-threatened" na species ayon sa Swiss-based International Union for the Conservation of Nature.

Dahil sa pangyayaring ito pinaigting ng ating gobyerno ang kaso ng mga susupected illegal trafficking ng mga nasabing hayop.

Sa pagkakataong ito, muli na namng nakasabat ang ating gobyerno noong sabado sa ikalawang kaso ng Pangolin Trafficking mula sa isang cargo ship na pinaghihinalaang galing ng Palawan at papunta ng Manila paniniwala ni Palawan environment official Alex Marciada.

Nasabat nila ang 23 Pangolins ngunit 22 na lamng dito ang buhay at ang isa ay patay na. "At least we got them (the 22 live pangolins) back and we are now trying to rehabilitate them at the rescue centre," banggit nito sa AFP.

Ang panghuhuli ng mga itinuturing na endangered species na ito ay may parusang hanggang 20 taon pagkakakulong.

Sa ngayon ang mga buhay na Pangolins ay nasa pangangalaga na para sa kanilang rehabilitasyon. 

Pinaniniwalaang ang mga Pangolins ay kinokonsiderang delicacy at gamit sa panggagamot sa bansang China.




Lotto Resuts: April 23, 2013

Super Lotto
01 - 24 - 35 - 31 - 47 - 21

Lotto
30 - 33 - 14 - 37 - 39 - 13

6 Digit
0 - 4 - 9 - 9 - 7 - 4

3 Digit
8 - 1 - 3

EZ 2
22 - 15

Kahit nasa ikatlong pwesto; Nancy Binay todo-kayod


















Bagamat sa halos lahat ng surveys para sa Senatorial slots ay pare pareho ang nagiging resulta ay hindi pa rin kampante si Nancy Binay sa ikatlong pwesto.

Sa mga naglabasang survey ay naunahan na nito ang mga Senatorial Candidates na sina Chiz Escudero at Cynthia Vilar na dating nasa ikatlo at ikaapat na pwesto. 

Si Binay ay nasa ika-pitong pwesto lamang ngunit tatlong linggo bago maghalalanan at pumaitaas para makuha ang pwesto.

Bagamat kabi-kabila ang mga black propaganda laban sa kanya ay todo kayod pa rin ito para suyuin ang publiko at hindi nagpapa-apekto sa mga ito.

Pinabulaanan niya ang lumalabas na Facebook account umano ng kanyang anak na lalaki na naglalabas ng negative comment sa kanya. Fake o isang Bogus lamang ito para sirain siya sa publiko.

"I'm used to it, so long as I'm the only one they hit. I hope they don't include my family, especially my children". pahayag ni Nancy Binay.

Dagdag na nito na hindi nila kailangan magpakampante sa mga surveys dahil ganito rin ang nangyari sa kanyang ama noong 2010 elections kung saan underdog ang kanyang amang si Vice President Jejomar Binay ngunit naipanalo pa rin ang laban.

Sa ngayon, tanging ang pangangampanya lamang ang tanging nasa focus nya. Bad distractions shouldn't be entertained. Unless you want to entertain it and go down.

Go Ms. Nancy Binay! Ipagpatuloy ang Serbisyong Totoo, Serbisyong Binay!





Pacquiao inalok ng $6M si Bradley

Matapos ianunsyo ng kampo ni Juan Manuel Marquez ang laban nila ni Timothy Bradley sa Setyembre 14 sa Las Vegas ay agad naman itong itinanggi ng kampo ni Bradley.

Ang manager ni Bradley na si Cameron Dunki ay naglabas ng isang pahayag na pinabubulaanan ang naunang ipinamalita na ng Mexican Superstar.

Target ni Marquez na makagawa ng mas matibay na pangalan kung saka-sakaling makukuha nya ang titulo kay Bradley dahil wala pa ni isa mang Mehikano na nagkaroon ng higit sa limang titulo sa limang dibisyon.

Dahil dito nag bigay ng offer ang kampo ni Pacman ng guarantee $6M upang labanan lamang si Pacquiao sa Oct. 13 sa The Venetian sa Macau kasama ang Hall of Fame at promoter Bob Arum ng Top Rank at kapartner ang Sands China.

"We have offered Bradley that amount," saad ni Koncz sa Los Angeles.

Sakali mang hindi pumayag si Bradley at mayroon pa silang ibang napipisil ngunit hindi pa ito pinangangalanan.







Monday, April 15, 2013

Boston Marathon niyanig ng pagsabog

Niyanig ng pagsabog ang isang matiwasay na marathon sa Boston USA ngayon ngayon lamang. Nag-iwan ito ng dalawang (2) patay at humigit kumulang 23 sugatan.

Iniulat naman ng DFA na mayroong 12 pinoy na kasali sa naturang Marathon ngunit kinumpirma rin nila na wala ni isa sa mga ito ang nasaktan.


Sunday, April 14, 2013

NCRPO Director Espina: Mga kapulisan 50 meters away

Dahil sa nalalapit na eleksyon ngayong Mayo 13, 2013, inatasan ni NCRPO Director Leonardo Espina ang lahat ng mga station commanders sa Maynila.

Inatasan ang mga ito na huwag makisawsaw sa pulitika lalo pa't mahigpitan ang laban sa pagka-alkalde sa Manila.

Naglalaban dito ang re-electionist na si Mayor Alfredo Lim at ang dating Mayor at Presidente na si Joseph Estrada.

Dahil dito, inatasan ang mga kapulisan na dumistansya ng 50 metro sa area ng bawat kandidato. 

"Kung may violation ang isang kandidato, dapat tignan munang mabuti kung may basehan para hindi makasuhan ng electioneering ang isang pulis." pahayag ni Espina.

Si MPD Officer in Charge Senior Supt. RObert G. Po ang nag ulat ng kautusang ito ni Espina kahapon sa Balitaan sa Tinapayan.

Tiniyak nama ni Po na gagawin niya ang kanyang makakaya para mabigyan ng solusyon ang mga problemang kinakaharap ng MPD.




Saturday, April 13, 2013

Donaire Talo kay Rigondeaux

Ang pinaka hihintay na laban ng Fighter of the Year 2012 at No.5 Pound for Pound Nonito "The Flash Donaire at Guillermo Rigondeau ay dumating na sa katapusan.

Napabagsak man ng ating pambatong si Donaire sa ika-10 round ay hindi ito naging sapat upang kuning ang WBA Title ni Rigondeaux.

Tinalo ni Rigondeau si Donaire sa isang Unanimous Decision kung saan iniskoran ng mga hurado ng 113-114, 112-115 at 111-116 pabor lahat kay Rigondeaux.

Nawalan man tayo ng dalawang kampeon sa boxing ay sinisiguro nating hindi ito ang huling pagkakampeon na makukuha nating mga pinoy.

Nariyan pa rin ang iba pang mga boxers na handang magbigay sa atin ng karangalan. Masyado lang sigurong kumpiyansa si Donaire na matatalo nya si Rigondeaux.

Pero ang importante sa lahat, naipakita natin na sa mundo ng boxing, isa ang mga pinoy na nagbibigay ng magagandang mga laban. Saludo pa rin kami sa iyo Nonito, at alam naming BABAWI tayo.




Saturday, April 6, 2013

Laban ni Pacquiao hindi sa amerika gaganapin

Isa lamang sa Singapore o sa Macau ang pinagpipilian na lamang ng kampo ni Pacquiao para sa kanyang susunod na laban. Ayon ito sa mismong promoter ni Pacquiao na si Bob Arum at sinang ayunan ng Canadian adviser na si Michael Koncz.

Aminado naman ang team Pacquiao na magkakaroon ito ng malaking epekto lalo na sa kikitain sa pay-per-view kung sakaling sa labas ng United States magaganap ang laban.

"I think were going to lose some pay-per-view buys but I don't agree with Bob Arum that were going to lose half of it." pahayag ni Koncz sa Boxingscene.com.

"I think maybe 20% will be lost but I think if we do the fight on the time slot of HBO pay-per-view -- people will still watch the fight." 

Gustong makita ng mga tao ang labanang Pacquiao-Marquez V, ngunit kung hindi pumayag ang Mehikanong boksingero ay marami pa namang maaring labanan ni Pacquiao.

Nariyan pa si Bradley na umagaw ng knayang titulong WBO welteweight crown. Nariyan din si welterweight titlist Mike Alvarado.

Isa lang ang mahalaga, ang magandang laban na ihahain ni Pacquiao-walang duda. Pumayag man si Marquez o hindi, magandang laban pa rin ito siguro.





Cebu Pacific: SALE it with a kiss!













SALE it with a kiss! promo for P99 domestics flights only up to Arpil 8, 2013. For more info, please visit the Cebu Pacific website.





Friday, April 5, 2013

Commander at tatlo pang nitong crew sinibak ng US Navy

Noong nakaraang huwebes ay ipinaalam ng US Navy na nirelieve na sa pwesto ang Commanding Officer ng US minesweeper pati na rin ang tatlo nitong mga crews.

Ayon sa imbestigasyon at opisyal na pahayag ng US Pacific Fleet in Hawaii na ang Commander at tatlo nitong crew ay nagkaroon ng pagkukulang.

"Adhere to standard US Navy navigation procedures." "The US Navy has the highest accountability standards and all four sailors were relieved by Rear Admiral Jeffrey Harley due to their role in the grounding and a loss of confidence,"

Ang USS Guardian na sumadsad sa Tubbatahareef sa Sulu Sea noong January 17 ay naialis na at sa ngayon ay pinagaaralan kung magkano ang kabuuang pinsala na natamo ng reef.

Humingi ng paumanhin ang US government para sa naturang insidente na sinisisi ang mga maling inprint sa kanilang mga mapa.

Ang ating Gobyerno ay naglabas ng pahayag na sila ay magpapataw ng mga fines para sa kabuuang sira ng mga reefs at umaasa na ang America ay tutulung din sa pagsasayos muli nito.

Viloria handa na para magdepensa

Muli na namang idedepensa ni Brian "The Hawaiian Punch" Viloria ang kanyang WBO and WBA flyweight belt laban sa Mexican boxer na si Juan Estrada.

Sinabi ni Viloria na hindi nya minaliit kailanman ang kanyang mga nagiging kalaban at bagkus ay pinaghahandaan nya ito ng husto upang makapagpakita ng magandang laban.

Si Estrada naman ay galing sa pagkatalo kaya't umaasa si Viloria na mas magiging agresibo ito at nakahanda naman ang pinoy champ para dito.

Ibinunyag ni Viloria ang plano na tirahin ang Mexican boxer sa kanyang bodega kung saan nito mapapabagal ang kalaban at kung saan sa tingin nito ay mas mahina.

Sa huli sinabi ni Viloria na bibigyan nya ng mgandang laban ang mga pinoy manalo man ito oh matalo sa anuman at kaninong laban.

Saludo kami sa iyo Brian, nawa'y maipagtanggol mo ang iyong titulo sa isa pang pagkakataon!




Thursday, April 4, 2013

5.4 na pagyanig sa Pilipinas

April 4, 2013 ng yanigin ng isang 5.4 Magnitude ang 158 Northeast ng Maynila sa ganap na alas 10:27 ng umaga na may lalim na 38 kilometers.

Hindi naman tumagal ang pagyanig na nagresulta ng wala nmang nasaktan oh nasugatan. Sumentro ang lindol sa Baler at wala rin namang naitalang casualty sa lugar.

Sinabi ni Philippine Institute of Volcanology and Seismology chief Renato Solidum na inihahalintulad niya ito na isang "moderate" na lindol lamang.

Gayunpaman, pinagiingat pa rin ang lahat lalo na ang mga nasa malapit sa dalampasigan.



Related Posts Plugin for WordPress, Blogger...

 
Design by Wordpress Theme | Bloggerized by Free Blogger Templates | coupon codes