Tuesday, December 3, 2013

Ginebra nakatikim ng unang pagkatalo

Tumikim ng unang pagkatalo ang crowd favorite Ginebra Gin Kings ngayong gabi sa Mall of Asia Arena sa lungsod ng Pasay.

Pagkatapos talunin ng Meralco Bolts sa score na 100-87 kung saan hindi nakapaglaro si Cliff Hodge and Reynel Hugnatan dahil sa iniindang ankle sprain. Gayundin naman si Kerby Raymundo na hindi pa nakakapaglaro sa Meralco mula ng lumipat.

“We’re fortunate that we got them on an off night, “We were just quicker than them.” pahayag ni coach Ryan Gregorio matapos ang laro.

Umiskor si Jared Dilinger ng 25 points at 10 rebounds para pamunuan ang Bolts na pulbusin ang Gin Kings. Samantalang angdagdag si Mike Cortez ng 21 points at 11 assists.

Lumaglag ang Gin Kings sa win loss record nito sa 3-1.

 

0 comments:

Post a Comment

Related Posts Plugin for WordPress, Blogger...

 
Design by Wordpress Theme | Bloggerized by Free Blogger Templates | coupon codes