Wednesday, December 4, 2013

DOH: No Travel Ban sa H7N9

Sinabi ng Department of Health (DOH) na sa kabila ng mga kaso ng pagkamatay dahil sa H7N9 ay wala itong ipatutupad na "travel ban".

Ang DOH ay tuloy tuloy ang pakikipag-ugnayan sa World Health Organization (WHO) hinggil sa nakukumpirmang kaso ng avian flu contamination oh mas kilala bilang H7N9.

Dagdag pa ni Health Asec. Eric Tayag na hindi pa inirerekomenda ng WHO ang travel restrictions hindi lamang sa Hongkong kundi pati na rin sa buong panig ng China.

Samantala, patuloy pa rin ang "importation ban" ng mga poultry products mula sa China bilang bahagi ng precautionary measures ng Pilipinas.

Una ng nakumpirma ang unang kaso ng H7N9 sa isang 36 year old Indonesian house helper sa Hongkong.

Sa kabuuan, mayroon ng 141 cases ng bird flu sa buong mundo at 47 na ang kumpirmadong namatay.


0 comments:

Post a Comment

Related Posts Plugin for WordPress, Blogger...

 
Design by Wordpress Theme | Bloggerized by Free Blogger Templates | coupon codes