Thursday, November 14, 2013

Puro lang PANGAKO, wala naman palang KWENTA. Kilos GOBYERNO!

















Kalat na sa mga Social Media ang mga PANGAKO mong napako Pnoy. 

Sabi mo sa amin bago dumating si Yolanda na nakahanda na ang 32 airplanes at helicopters ng Air Force at 20 Navy ships?

Sabi mo rin "pre-positioned" na ang mga relief goods?

Anyare Pnoy? Puro nalang PAMBOBOLA sa publiko ang ginagawa nyo para lang mapagtakpana ang mga kakulangan nyo?

Tenelevise mo pa? Wala rin naman palang napala ang mga kababayan namin? Pinagmalaki mo pa? Nanunuod ka ba ng balita sa CNN at iba pang foreign news?

Nakikita nila ang mga hindi mo nakikita! Nakikita nila ang lahat ng kakulangan nyo. Sana hindi ka na nagsalita kung wala ka naman palang IPAGMAMALAKI.

Ang hirap sa inyo, makapagmalaki lang kahit suntok sa buwan gagawin para lang hindi mapahiya at masabing ginagawa nyo ang lahat.

Sabi mo pagkatapos na pagkatapos ng bagyo maipamamamhagi na ang mga relief goods? Nasaan na? Nauna pa yung mga ibang bansa na tumulong kesa sa sarili nating Gobyerno?

Ito namang si Mar Roxas kung makapagyabang na hindi lang daw salita eh gawa na. Eh kahapon lang naman lumabas sa television para magmando ng mga tauhan at ng maipamigay ang relief?

Kung kelan pinasaringan na kayo ng anchor ng CNN News tsaka ka lang gagalaw? Tapos yang sin Korina naman todo react naman?

Nasaan kaba Korina? Sino ba ang nasa FIELD? Di ba nasa Studio ka lang ng ABS CBN? So sinong mas paniniwalaan ng mga tao?

Ikaw na nasa STUDIO? Oh Si Anderson Cooper na nasa FIELD?

Bago kayo mag react, GAWA muna. Mas nakikita ng mga tao ang gawa kesa ang mga lumalabas sa mga bibig nyong puro lamang salita.

Kilos! Hindi puro Dada! Kilos GOBYERNO NG PILIPINAS! Pakita nyo sa mga Filipino na maayos kayo!






credits to the owner of the Picture.


0 comments:

Post a Comment

Related Posts Plugin for WordPress, Blogger...

 
Design by Wordpress Theme | Bloggerized by Free Blogger Templates | coupon codes