Wednesday, November 6, 2013

Preemptive Evacuation Inirerekomenda sa CALABARZON

Dahil sa nalalapit na pagtama ng isang Super Typhoon "Yolanda" (TS Haiyan) na inaasahang papasok sa PAR (Philippine Area of Responsibility) inirekomenda ng Regional Disaster Risk Reduction and Management Council (RDRRMC).

Minomonitor ngayon ang 84 (walumpu't apat) na bayan dahil sa mga posibleng landslide at biglaang pagtaas ng baha sa lungsod ng Laguna malapit sa Laguna de Bay.

Labing tatlong (13) bayan naman sa Rizal ang pinalilikas na rin at ang mga sumusunod na mga bayan sa Cavite.

- Noveleta
- Rosario
- Kawit
- Tanza
- Ternate
- Naic
- Maragondon
- General Mariano Alvarez
- Carmona
- Bacoor
- Imus
- General Trias

Sabi naman ni Fred Bragas ng RDRRMC-CALABARZON, pagbibigay-paalala lamang ang kanilang magagawa lalo't wala pa namang nakataas na storm signal. At tanging dasal na lamang ang pinaka mabisang panlaban dito.

Samantala, ang mga lugar sa Visayas at Northern Mindanao ay naghahanda na rin para sa pagpasok ng panibagong Super Typhoon sa bansa.

Muli, pinapayuhang mag-ingat ang lahat. Kaya natin to Pinoy! 

0 comments:

Post a Comment

Related Posts Plugin for WordPress, Blogger...

 
Design by Wordpress Theme | Bloggerized by Free Blogger Templates | coupon codes