Saturday, November 9, 2013

Miss Universe 2013 Bukas na, tatlong pinay kalahok

Makuha na kaya ng pilipinas ang inaasam asam na titulo sa Miss Universe Pageant 2013? Or muling mabibigo ang ating pambato para dito?

Matatandaang sa huling tatlong taon ay pasok sa top 5 ang Pilipinas na sinimulan ni Venus Raj na nakuha bilang 4th runner up noong 2010, Shamcey Supsup na 2nd runner up noong 2011 at nitong 2012 ng nakaraang taon ay muntikan ng masungkit ni 1st runner up Janine Tugonon ang titulo na napanalunan ni Ms. USA.

Sa taon ito, malaki ang nakaatang sa ating pambato na si Ariella Arida na masungkit ang titulo. Ikaw ba namang ang huling tatlong (3) naging pambato natin eh may naipwesto sa Top 5 kahit hindi man sila nanalo.

Ngayon pang kung ano ano ang ibinabatong panglalait sa ating pambato na kesyo hindi ito marunong mag ingles.

Pinoy ba kayo? Bago sana manghusga tanungin nyo muna ang sarili nyo kung kayo ba eh napakagaling mag ingles or should we say nakakaintindi ba ng ingles?

Tsk tsk, di talaga mawawala sa mga pinoy ang ganitong paguugali. Hayaan nalang natin sila.

Samantala, mas naging lamang sa kumpetisyon ang mga pinay beauties ngayon dahil hindi lamang si Ara (palayaw ni Ariella Arida) ang nagiisang pinay sa kumpetisyon.

Nariyan din ang pambato ng Canada na si Riza Santos na parehong pinoy ang mga magulang at tatlong beses nang lalaban sa patimpalak ng pagandahan.



































Una ay noong 2006 para sa Miss Earth, noong 2011 para sa Miss World at bukas nga para sa Miss Universe 2013. Kamangha mangha talaga ang ganda ng mga pinay.

Ang isa pang kalahok na pinay ay si Alixes Polendey Scott na ipinanganak sa Hawaii at nag migrate sa Guam.



































Kahit sinong palarin sa kanila ay tiyak na ikagagalak ng mga pinoy. Sabi nga nila, Pinoy pa rin yan. At wala ng tatalo pa sa ganda ng mga pinay!

Go Pinays! Go Philippines, Canda and Guam!








0 comments:

Post a Comment

Related Posts Plugin for WordPress, Blogger...

 
Design by Wordpress Theme | Bloggerized by Free Blogger Templates | coupon codes