Wednesday, November 13, 2013

Makati City: P50 Million Relief Assistance Aprubado na ng Konseho ng Makati

Naglaan ng P50 Million ang Makati City para sa relief operation nito sa mga nasalanta ng bagyong Yoland sa Pilipinas.

Inaprubahan naman ito ng konseho na halos karamihan ng makikinabang nito ay ang mga sister Cities ng Business Capital ng Pilipinas.

Sinabi ni Mayor Jun Binay na ang naturang halaga ay kukunin sa Quick Response Fund sa ilalim ng Local Disaster Risk Reduction and Management (DRRM) na ipagkakaloob sa Samar, Leyte at Cebu.

"We join the nation and the rest of the world in prayer as we move in unison to get them on the road to recovery and rehabilitation." dagdag pa ni Mayor Binay.

Ang mga relief goods ay kasalukuyang nirerepack sa Pobalcion Covered Court at sinumang nais magdagdag ng donasyon ay mas magiging mainam.

Nananawagan din sa lahat kung sinong gustong magvolunteer para sa pagrerepack ng mga relief goods.

0 comments:

Post a Comment

Related Posts Plugin for WordPress, Blogger...

 
Design by Wordpress Theme | Bloggerized by Free Blogger Templates | coupon codes