Wednesday, November 6, 2013

Makati City Incident Command System (ICS) inihanda para sa Typhoon Yolanda

Sa nalalapit na paglandfall ng Super Typhoon na Yolanda sa bansa ay inihayag ni Makati Mayor Jejomar Erwin S. Binay Jr na i-activate na ng Makati Disaster Risk Reduction and Management Council o MDRRMC ang Makati’s Incident Command System o ICS.

Inutos din nito na ihanda na ang mga gamit na pwedeng gamitin upang agad na makaaksyon sa mga pangangailangan ng mga residente nito.

Ang mga sumusunod na personalidad ng lokal na gobyerno ng Makati para sa inilatag na ICS ay ang mga sumusunod;

City Administrator Atty. Eleno M. Mendoza, Jr. (Incident Commander), Public Safety Chief (PSD) Dir. Hermenegildo San Miguel (Safety Officer), Mon Fernandez (Deputy Safety Officer), City Information Officer Joselito Salgado (Information Officer), Social Welfare Chief (MSWD) Ryan Barcelo (Operations Officer), Rescue Officer Ernesto Sison (Deputy Operations Officer), Mendoza and General Services Head (GSD) Gerry San Gabriel (Logistics Officers), C3 Officer-in-Charge Hector C. Reyes and Edwin Aguilar (Planning Officers), and Mendoza and Budget Chief Lorenza Amores (Administration and Finance).

Kasama rin sa kanilang emergency meeting ang mga miyembro ng MDRRM Council from the City Government, University of Makati (UMak), Ospital ng Makati (OsMak), Red Cross – Makati, ang Department of Interior and Local Government - Makati (DILG-Makati), Makati Bureau of Fire Protection (BFP), and Makati Philippine National Police (Makati-PNP).

Pina-alalahanan ang mga residente ng Makati para sa mga emergency contact numbers para sa agarang serbisyo at pangangailangan.

I-dial lamang ang 168 para sa mga PLDT Subscribers at ang 7 digit numbers para sa other subscribers 870-1920 to 35. Sa trapiko naman ay maaring magtweet sa @MakatiTraffic

Maari ring mag-inquire sa pamamagitan ng email; emergency_168@yahoo.com at C3@makati.gov.ph

Ang Command Post ay itinalaga sa Mezzanine floor ng New Makati City Hall Building II.

Muli pinaalalahanan ang lahat na mag-ingat at huwag mag panic.


0 comments:

Post a Comment

Related Posts Plugin for WordPress, Blogger...

 
Design by Wordpress Theme | Bloggerized by Free Blogger Templates | coupon codes