Sunday, November 10, 2013

Hindi nyo kami matitinag, Pinoy ata to!!!

Malupit man raw ang dinanas nating nitong nakaraang mga delubyong dumaan sa ating mga pinoy ay tila hindi naman mapapantayan ang tunay na pagtutulungan at pagbabayanihan ng mga pilipino.

Sa kabila ng unos ay mayroon pa ring mga ngiti na namumutawi sa ating mga labi na sumisimbulo ng panibagong bukas.

Mapait man ang nakaraan, siguradong babangon ang mga Pinoy para muling itaguyod ang buhay. Gamitin ang mga karanasan upang mas maging matatag ang pagsasama sama ng bawat pamilya - ng bawat pilipino.

Ang mga karanasang tila isang bangungot ay ating ipagpag na parang walang nangyari. Walising parang dumi na paulit-ulit na bumabalik ngunit paulit ulit ding lilinisin kahit mapagod ng magpakasakit.

Pinoy tayo, diyan tayo nakilala. Pinoy. Walang katulad, nag-iisa. Isang lahing kahit kailanman ay hinding hindi natin ipagpapalit.

Isang lahing hinangaan ng buong mundo sa pagiging matatag kahit na sa anong delibyo mo iharap.

Kahit bisig mga Pinoy! Isigaw sa buong mundo, BAGYO, LINDOL at kahit anu pa kayo! Hindi nyo kami matitinag!

Pinoy ata to!!!
























credits to the owner of the photo.

0 comments:

Post a Comment

Related Posts Plugin for WordPress, Blogger...

 
Design by Wordpress Theme | Bloggerized by Free Blogger Templates | coupon codes