Wednesday, November 27, 2013

BIR Frozen the accounts of Pacquiao's

Pagkatapos ng lahat ng ginawa ni Manny Pacquiao para sa ating bansa, heto at umaariba ang BIR sa pag frozen ng lahat ng kanilang accounts sa bansa.

Si Pacquiao ang naging Top Tax Payer noong 2009 nang magbayad ng mahigit P125 Milyong Piso ngunit bumaba noong sumunod na mga taon kung saan angbayad lamang ito ng kulang sa P7 Milyong piso.

Ang taning natanggap lang umano ng BIR ay isang letter galing sa Top Rank Promotions na nagsasabing nagbayad si Mannyng kanyang mga taxes sa United States. At kahit sino pwedeng gumawa noon. Paliwanag ni Commissioner Henares.

Sinabi ni Kim Jacinto Henares na BIR Commissioner na noong 2009 pa nila kinuwestyon ang mga binbayaran taxes ni Manny Pacquiao.

Ang sagot naman ni Manny Pacquiao sa interview sa kanya sa TV Patrol ay "hindi ko tatalikuran, at babayran ko lahat kung may obligasyon man ako."

Ngunit magkano nga ba ang kinikita ni Manny Pacquiao?

Sakaling kumita si Manny Pacquiao ng P10 Milyong Dolyar, 30% nito ay mapupunta sa taxes kung saan siya lumaban. P1 Milyong Dolyar para kay Freddie Roach na kanyang chief trainer. Dagdag pa ang mga gastusin sa kanyang hotel, food, entourage at iba.

Sa kabuuan, wala pa sa kalahati ang mapupunta sa boxer na itinataya ang buhay para sa bansa. Paliwanag ni Sporst Analyst Ronnie Natanielsz.

Sinabi naman ni Bob Arum na hindi si Manny Pacquiao ang may kasalanan dito kundi ang BIR mismo.

"Why this lady as the head of the tax bureau in the Philippines didn't ask her counterpart in the United States for the certificate. She put the burden on Manny."

"Manny requested the certificate from the IRS and I am sure the certificate will be coming in the next week or so. But it's not Manny's fault. It's her fault." Giit ni Top Rank Promoter Bob Arum.
 
Ano to BIR? Si Manny Pacquiao lang ang kaya nyong ganyanin? Samantalang yung mga nangungurakot na ibang mambabatas eh kailangan nyo pang litisin ng husto? 

Paalala lang, si Manny Pacquiao ang nag-aangak ng lahing pinoy sa buong mundo. Wala ng iba pang tao ang makakapantay rito.

Gumising kayo. Yung tunay na mga magnanakaw ang parusahan nyo! Yung tungkol sa Pork Barrel na Bilyong Bilyong Pisong Scam ang asikasuhin nyo!

Umayos kayo!

0 comments:

Post a Comment

Related Posts Plugin for WordPress, Blogger...

 
Design by Wordpress Theme | Bloggerized by Free Blogger Templates | coupon codes