Tuesday, October 22, 2013

Worst Airport na nga, mas naging Worst Airport pa lalo






















Kalalabas pa lamang sa isang ulit ang pananatili ng NAIA Terminal 1 (NAIA 1) bilang Worst Airport sa mundo.

At ngayon, ay tila nag-level up na nga tayo, hindi para mai-angat at mawala ang pagiging Worst Airport kundi mas idiin pa ito.

Dahil sa nagkalat ngayon sa social media at television na mga litrato ng dalawang empleyado nito habang naglalaro ng sikat na Candy Crush Saga (CCS) sa kani-kanilang mga computer.

Level ang dating! Dahil habang tila nagtatanungan pa ang dalawa kung anung level na ay sobrang haba naman ng pila na nasa harapan nito.

Ang tanong, sa airport lang ba ganito? Sistema na nating mga pinoy yan. Ganyan sa lahat ng tanggapan ng Lokal na ahensya. Aminin nyo.

Malas lang ng dalawang ito dahil sila ang nakunan at sila ang pinagpipyestahan ngayon. At tignan nyo, sa ngayong mainit pa ang ganitong usapin. Mahigpit yang ipagbabawal sa lahat ng opisina.

Pero sa mga susunod na panahon, babalik din ang ganyang pag-uugali.

Ganyan tayong mga pinoy eh, sawsaw sa usapang mainit. Kunwari nagmamalinis at galit galitan. Pero pag sila na ang nasa sitwasyon, gawain din.

Gising mga pinoy, wag tayong magpakahiya sa ibang lahi. Umayos naman tayo!




0 comments:

Post a Comment

Related Posts Plugin for WordPress, Blogger...

 
Design by Wordpress Theme | Bloggerized by Free Blogger Templates | coupon codes