Friday, October 25, 2013

San Mig Coffee wins Governor's Cup 2013

Tinalo ng San Mig Coffee ang top seeded na koponang Petron ngayong gabi sa pagtatagpo sa Game 7.

Pinangunahan ng Best Import na si Marcus Blakely ang Mixers sa score na 87-77 para kunin ang huli at ika pitong laro para sa Best of Seven Finals.

Muli namang ihinirang si Coach Tim Cone na kampeon at ngayon ay tumatabla sa legendary coach na si Baby Dalupan na may tig labinlimang kampeonato.

Sa huling isang minuto ng laro ay dumidikit pa rin ang Petron ngunit matinding depensa ang ibinigay ni Marcus Blakely at "Pinoy Sakuragi" na si Marc Pingris para pigilan ang Petron lalong lalo na ang import nitong si Elijah Millsap.

Tumapos si Pingris ng  - 19 pts 17 rebs 5 blks na isinisigaw ng crowd bilang Finals MVP.


0 comments:

Post a Comment

Related Posts Plugin for WordPress, Blogger...

 
Design by Wordpress Theme | Bloggerized by Free Blogger Templates | coupon codes