Friday, October 25, 2013

PNP naka full alert na sa nalalapit na eleksyon

Ipinahayag ng PNP (Philippine National Police) na naka full alert status na ito para sa nalalapit na barangay elections na gaganapin sa lunes Oktubre 28, 2013.

Mahigpit nitong binbantayan ang 30 election hot spot sa Metro Manila kabilang na ang Brgy 130 sa Tondo Manila at iba pa.

Ayon sa PNP, tumaas na ang bilang ng election related cases na naitala kumpara sa dalawampu (20) noong 2010 at sa ngayon 2013 na tatlumpu (30).

Bukas ang huling araw sa kampaya at bukas naman ng gabi ipatutupad ang liquor ban sa buong bansa. May kaukulang parusa ang sinumang lalabag dito.

Hanggad nating lahat ang malinis na eleksyon, ngunit ang mas mahalaga ay ang iboto ang nararapat. Huwag maging tanga at gamitin ang utak.

Malinis na eleksyon!





0 comments:

Post a Comment

Related Posts Plugin for WordPress, Blogger...

 
Design by Wordpress Theme | Bloggerized by Free Blogger Templates | coupon codes