Monday, October 14, 2013

Magnitude 7.2 Hits Carmen, Bohol

Isang tectonic 7.2 Magnitude na Lindol ang tumama sa Carmen Bohol ngayon 8:12 ng umaga. Ayon sa Phivolcs, asahan na ang mga afteshock at pinapayuhan ang lahat na mag-ingat at umiwas sa mga bagay na maaring bumagsak kung sakaling maranasan muki ang paglindol.

Ang paglindol ay nasa two to five kilometers Southeast of Carmen town at may lalim na 33 kilometro.

Ayon sa mga ulat, ilang mga establisimento, kabahayan, simbahan at maging ang airport ay nagtamo ng mga pinansala ng lindol.

Ang mga karatig lalawigan rin ay nakaramdam ng paglindol kasama na ang mga sumusunod;


Intensity VI – Hinigaran, Negros Occidental
Intensity V- Iloilo, City
Intensity IV – Masbate City
Intensity III – Davao City


Ayon sa aking mga kamag-anak na nasa aming homet town Bohol ay nagsipagpuntahan na rin sila sa ligtas na lugar malayo sa mga maaring bumagsak kapag muling lumindol.

Wala rin namang Tsunami Alert dahil ang sentro ng lindol ay sa lupa.

Sa ngayon ay kumukuha pa ng datos ang mga kina-uukulan kung gaano kalaki ang pinsalang naidulot nito.

0 comments:

Post a Comment

Related Posts Plugin for WordPress, Blogger...

 
Design by Wordpress Theme | Bloggerized by Free Blogger Templates | coupon codes