Tuesday, October 15, 2013

Azkals Kampeon ng Philippine Football Peace Cup 2013

Muli na namang pinatunayan ng Azkals ang kanilang pangil sa pagtatapos ng Football Peace Cup na ginawa ngayon sa Bacolod City.

Dahil sa unang pagkalasap ng pagkatalo ng Azkals mula sa Chinese Taipei sa score na 2-1, tinalo naman ng Pakistan ang Chinese Taipei kung kaya't kailangan manalo ng Azkals ng (2) dalawang puntos upang masungkit ang Peace Cup.

Hindi naman binigo ng Azkals players ang mga fans na sumugod upang suportahan ito.

Halos gumuho ang buong stadium ng unang maka iskor ang Pakistan sa ika-15 minuto ng laro. Ngunit hindi nawalan ng puso ang Azkals at naitabla ang iskor sa 1-1 sa pasa ni Schrock papunta kay Reichelt sa ika 33rd minuto.

Matapos ang palitan ng sipa, kanya kanyang saved ng mga goal keeper ay nakawalang muli ang pangil ng Azkals malapit sa goal na sinipa naman ni Chris Greatwich sa ika 78th minuto ng laro.

At ang pangtapos ng laro na walang iba kundi si Shrock sa ika-88th minuto ng laro. At na-iretain natin ang kampeonato kahit hindi naglaro sa kabuuan si star Phil Younghusband.

Pumasok lamang ito sa ika-90th minuto ng laro upang palitan si Shrock.

Panalo ang Azkals sa score na 3-1.

Standings:
Philippines 3pts 1gd
Chinese Taipei 3pts 0gd
Pakistan 3pts -1gd


Muli, Congratulations Philippine Azkals for retaining the Peace Cup! Congrats Azklas! 

Kahol!!!


0 comments:

Post a Comment

Related Posts Plugin for WordPress, Blogger...

 
Design by Wordpress Theme | Bloggerized by Free Blogger Templates | coupon codes