Saturday, September 14, 2013

Gin Kings nasungkit ang 1 point win laban sa Rain or Shine

Ika nga ng mga fans ng Ginebra noon pa man, "never say die", at muli na naman itong pinatunayan ng mga Ginebra players.

Matapos ang apat na quarters ay muling nalagay sa tuktok ang Ginebra sa score na 101-100 laban sa Ros. Ito ay matapos ma-perfect ni Barracael ang kanyang taltong free throws matapos ma foul ni Belga sa pagtira nito sa three point line may 2 segundong nalalabi sa oras.

Bago ito, paubos na ang shot clock ng RoS at inihagis na lamang ni Arizona Reid ang bola upang basagin ang tie sa score na 100-98 at may natira na lamang 2 segundo para sa Ginebra.

Hindi nawalan ng lakas ng loob ang mga fans ng Ginebra at pansumandaling tumahimik sa loob ng playing court para bigyang daan ang tatlong free throws ni Barracael na walang kasayad sayad namang nashoot.

May 0.3 segundo pang natitira ngunit hindi na umabot ang tira pa ni Beau Belga.

Umangat ang win loss record ng Gin Kings kasalo ang Alaska at Global Port na may 3-4 na kartada habang bumaba naman ang RoS sa 4-4.

Nangunguna pa rin ang Petron na may 7-1 record kasunod ang Mixers na may 5-3 win loss record.

Abangan bukas ang laban ng Meralco Bolts at Air 21 Express sa unang laro kasunod ang bakbakang Petron laban sa Batang Pier.

Si Mark Caguioa ang best player na may 32 points, 8 rebounds at 4 assists.



0 comments:

Post a Comment

Related Posts Plugin for WordPress, Blogger...

 
Design by Wordpress Theme | Bloggerized by Free Blogger Templates | coupon codes