Sunday, August 18, 2013

Rosario Cavite, 10,000 tao kailangan ng ilikas

Humigit kumulang sa10,000 residente ng Rosario, Cavite ang apektado ng baha ngayong araw na ito matapos ang pag-apaw ng Caños River na nasa Rosario at Tanza.

Humihingi na ng tulong si Rosario Mayor Nonong Ricafrente upang agad ng mailikas ang kanyang mga ka-residente na nasa gilid ng ilog.

Sobrang taas na ng tubig at giniginaw na ang mga residente sa ilang barangay na ito lalo't kahapong maghapon pa inuulan ang mga ito.

"Sa Coast Guard saka sa Air Force, sinuman diyan sa Sangley Point, sana padala tayo ng mga 6 x6 (truck) dito sa munisipyo," panawagan ni Ricafrente sa DZMM Radyo Patrol 630.

Kabilang aniya sa mga apektadong barangay ang Wawa Uno, Dos at Tres kung saan maging ang mga bangkang pangisda ng mga residente ay inanod na rin.

Umaasa ang mga residente ng Rosario Cavite na agad silang mabibiyan ng tulong at mailikas mula sa mapanganib na pag-uulan at mabilis na pagbaha.




0 comments:

Post a Comment

Related Posts Plugin for WordPress, Blogger...

 
Design by Wordpress Theme | Bloggerized by Free Blogger Templates | coupon codes