Monday, August 19, 2013

La Mesa Dam sa Quezon City umapaw na

Ito nga ang kinumpirma ni Engr. Teddy Angeles ng La Mesa Dam Management na umapaw na ang nasabing dam at handa na itong magpakawala ng tubig sa mga oras na ito.

Lumagpas na sa 1 cm ang limit oh spill level ng La Mesa Dam at inuumpisahan ng bigyan ng babala ang mga bayan na daraanan nito.

Kabilang sa mga ito ang Camanava area oh Caloocan, Malabon, Navotas at Valenzuela na primerong dinaraanan ng Tulyahan River.

Pinapayuhan ang lahat na maging maingat at mag-evacuate na habang maaga pa. Sa mga nais tumawag, maaring kayong tumawag sa numerong 461-7451.





0 comments:

Post a Comment

Related Posts Plugin for WordPress, Blogger...

 
Design by Wordpress Theme | Bloggerized by Free Blogger Templates | coupon codes