Saturday, August 10, 2013

Kagila-gilalas na Gilas!

Tulad nga ng meme na nasa ibaba, tinapos na ng Gilas ang mahigit 27 taong pang dodomina ng Korea sa Pilipinas.

Ito'y matapos talunin ng Gilas ang Koreans sa score na 86-79 dahilan upang sa muling pagkakataon ay makalasap ulit ng ticket ang Pinas papuntang FIBA World Cup na gaganapin sa Brazil sa 2014.

Pumutok ng husto si Jimmy "Mighty Mouse" at sa huling mga minuto ay hindi kinakitaan ng kaba sa dibdib na kinabog ang Korea sa mga three point shot nito.














Hind ata kilala ng Korean si "Mighty Mouse' Jimmy Alapag at tila hinayaan nilang tirahan sila nito ng tirahan. 

Gayunpaman, hindi pa tapos ang laban. May Iran pa silang kakaharapin mamayang gabi para sa finals match at malamang sa malamang ay mapupuno ng husto ang MOA Arena.

Kahit matalo ang Gilas ay sure na silang may ticket sa FIBA World. Ang top three ay makakakuha ng slot ngunit ang fourth place ay hindi.

Maglalaban para sa 3rd place ang Chinese Taipei at ang Korea bago ang laban ng Gilas at Iran.

Muli nating suportahan ang ating Gilas Team na talaga namang nagpakitang Gilas sa harap ng milyon milyong mga tagahanga.

Go for the Gold Gilas!


0 comments:

Post a Comment

Related Posts Plugin for WordPress, Blogger...

 
Design by Wordpress Theme | Bloggerized by Free Blogger Templates | coupon codes