Sunday, August 11, 2013

Iran Champion ng FIBA Asia 2013, Haddadi Most Valuable Player

Congratulations sa Iran sa kanilang muling pagsungkit ng titulo para sa FIBA Asia ngayon 2013. Ito na ang ikatlo nilang FIBA Champion kung saan pinaghaharian ng mga higante nilang mga sentro.

Tila naubos ang kamada ng Gilas sa three points shot kung kaya't nagmintis ng napakarami sa simula pa lang ng unang yugto ng laro.

Ganun pa man, hindi naman nabaliwala ang mga pinaghirapan ng mga Gilas Players dahil pasok pa rin naman sila sa FIBA World na gaganapin sa 2014.

Gumawa si Jayson Castro William ng 18 points ngunit kinulang naman sa tulong ng ibang mga kakampi. Dagdag pa diyan ang hindi paglalaro ni Marcus Douthit na nainjury sa umpisa pa lamang ng laro laban sa Korea kahapon.

Si Jayson Castro William ay isa sa All Star Five na ginawaran kasama ni Haddadi na hinirang na Most Valuable Player ng liga.

Muli, walang dapat ikahiya ang mga Gilas players. We are on FIBA Basketball history!

Till next time Iran! We'll see you in Spain!



0 comments:

Post a Comment

Related Posts Plugin for WordPress, Blogger...

 
Design by Wordpress Theme | Bloggerized by Free Blogger Templates | coupon codes