Monday, August 5, 2013

Gilas wagi sa second round laban sa Japan

Sa huling pagkatalo ay namuo ang init at uhaw sa pagkapanalo. Buhat ng matalo sa Chinese Taipei noong sabado ay taas noong ibinandera ng Gilas Pilipinas na babawi sila.

At ito ang kanilang pinatunayan ngayong araw na ito ng gupuin nila ang Japan sa iskor na 90-71 na may 19 na kalamangan upang magbigay ng statement sa mga susunod na kalaban na hindi basta basta ang Gilas.

Pumukol ng husto ang mga kamador na sina Alapag, De Ocampo, Chan, Fonacier pati na rin si David na gigil na gigil na pumotok sa torneong ito.

Patapos na ang laro ngunit isinisigaw ng fans ang pangalan ni David upang buhayin ang tumatamlay na dugo nito sa paglalaro.

Sa huli nanalo ang Gilas at umaasang dadalhin ng panalong ito ang momentum ng Gilas at talunin ang power house Qatar bukas ng gabi sa ganap na 8:30PM pa rin sa MOA Areana.

Magsama sama tayong muli na suportahan ang Gilas bukas!



0 comments:

Post a Comment

Related Posts Plugin for WordPress, Blogger...

 
Design by Wordpress Theme | Bloggerized by Free Blogger Templates | coupon codes