Friday, August 9, 2013

Gilas tinambakan ng Isang buwan ang Kazakhstan!

Sinimulang ng Gilas Pilipinas ang Quarter Finals na mainit ang mga kamay. Ito ayng pumutok sa 32 puntos ang ginawa ng mga ito at 3 out of 4 nito ay tres mula kay Gary David.

Umulan ng tres kumbaga. 32-15 ng matapos ang first quarter ng laro.

Ngunit hindi nagpaiwan ang Kazakhstan sa second quarter ng laro at lumapit ito sa iskor na 44-38 nang maibaba ang 17 kalamangan sa 6 na puntos na lamang.

Nagtapos ang second quarter sa score na 51-40 in favor of Gilas Pilipinas.

Sa pagbubukas ng 3rd quarter ay muling bumuhos ang depensa at opensa ng gilas. Depensa mula kay Aguilar na sinagip naman ni Gary David na nagresulta ng puntos para kay Japhet. 

Sunod sunod ang turn over ng Kazakhstan na nagtapos naman sa 18 puntos na kalamangan sa iskor na 67-49.

Sa huli tinambakan ng Tatlong Buwan oh 30 puntos sa iskor na 88-58. 

Kakalabanin ng Gilas ang mananalo sa laban ng Qatar at Korea pagkatapos na pagkatapos ng laro ng Gilas.

Suportahan ulit natin ang Gilas bukas!

0 comments:

Post a Comment

Related Posts Plugin for WordPress, Blogger...

 
Design by Wordpress Theme | Bloggerized by Free Blogger Templates | coupon codes