Saturday, August 3, 2013

Gilas silat sa Chinese Taipei



Nasilat ang ating Gilas Pilipinas sa ikatlo nitong laro ngayong FIBA Asia Cup 2013. Tinalo ang Gilas ng mga Chinese Taipei sa score na 84-79 para sa isang come from the behind win.

Halos umusok ang mga kamay ni Larry Fonacier sa 3rd quarter ng laro para bigyan ng 13 kalamangan ang Pinas at kumamada ng 21 puntos si Larry.

Ngunit pagdating ng mga huling minuto ay tila ang mga Chinese Taipei naman ang umusok at pumukol ng sunod sunod na 3 points para habulin ang kalamangan.

Sa huli, bigo ang Gilas na manguna sa kanilang grupo ngunit hindi pa naman tapos ang torneo. 

Malamang, isang magandang aral ang natutunan ng Gilas na hindi dapat magpakakumpiyangsa kahit lamang kana ng ilang milya.

Sana sa mga susunod na laban, maalagaan ng Gilas ang kalamangan hanggang dulo.

Laban pa rin Pilipinas!



0 comments:

Post a Comment

Related Posts Plugin for WordPress, Blogger...

 
Design by Wordpress Theme | Bloggerized by Free Blogger Templates | coupon codes