Tuesday, August 6, 2013

Gilas Pilipinas wagi sa Qatar

Di man pumutok si Gary "El Granada" David sa mga naunang laro ng Gilas sa Saudi Arabia, Jordan, Chinese Taipei at Japan, pinatunayan naman nito na kaya pa rin nyang magbigay ng kontribusyon sa kanyang team.

Ito ay matapos bumulusok ang Gilas sa 2nd quarter ng laro para tapusin ang half time sa score na 47-29 tangan tangan ang 18 puntos na kalamangan.

Sa 3rd quarter naman ay biglang napa buntong hininga ang mga pinoy ng di sinasadyang natamaan sa tuhod si Marcus Douthit na agad namang inilabas matapos tumayo ng sarili ay umupo.

Matapos ang 3rd quarter ay lamang pa rin ang Gilas sa score na 63-44.

Naibaba naman ng Qatar ang kalamangan hanggang 7 na putos 74-67. Ngunit naging mas matindi ang depensa dahilan para sumblay at masupalpal ang bawat tira ng mga Qatar.

Sa huli, isa na namang statement ang diniin ng Pinas sa pamamagitan ng last play Slam Dunk ni Japhet Aguilar para tapusin ang laro sa score na 80-70.

Kaingang manalo ng Qatar bukas laban sa Chinese Taipei upang maging triple way tie. Kung magkakaganito sigurado na ang Pilipinas sa pagiging number 1 sa grupo.

Gumawa ng 14 points, 7 rebounds at 1 Block shot si Japhet Aguilar. Pinakamagandang laro buhat ng magumpisa ang FIBA ASIA.

Suportahan muli ang Gilas bukas!

0 comments:

Post a Comment

Related Posts Plugin for WordPress, Blogger...

 
Design by Wordpress Theme | Bloggerized by Free Blogger Templates | coupon codes