Friday, August 2, 2013

Gilas Pilipinas giniba ang Jordan

Matapos ang unang panalo ay hangad ng ating Gilas Pilipinas ang ikalawang sunod na panalo upang makapasok sa cross over match.

Tangan ngayon ng Gilas ang impresibong 2-0 win loss record at nangunguna sa Group A kasunod ang Chinese Taipei na may 1-0 record at makakalaban ng Gilas bukas sa ganap ding 8:15 na gabi.

Pumukol ng husto sa 3 point line sina Jeff Chan, Ranidel De Ocampo, Jayson Castro at pati na rin sina L.A. Tenorio at Jimmy Alapag para gupuin ang Jordan sa score na 77-71.

Tuwang tuwa ang mga pinoy crowds hindi lang sa MOA (Mall of Asia) Arena kundi pati na rin ang mga nanunuod sa kani-kanilang mga bahay.


Matapos ang score na 20-16 at 38-33 sa first and second quarter ay muling nabuhayan ang mga pinoy upang magpsabog at dominahin ang third quarter na nagtapos sa sampung (10) kalamangan 57-47.

Muling nasungkit ng Gilas ang kalamangan sa score na 43-42 sa nalalabing 6 na minuto ng third quarter at simula noon ay hindi na ito nilingon pa.

Kumatok ang Jordan ngunit naging sunod sunod din ang turn overs ng mga ito at doon na ito kinapitalista ng mga Pinoy ballers.

Sabi nga hindi "Pinoy Basketball" ang laro kung hindi naghahabol sa huli ang mga pinoy. Gayunpaman, muling pinatunayan ng mga pinoy ang kanilang pride sa larangan ng Basketball-FIBA ASIA basketball.

Muli Congrats sa Gilas Pilipinas!



0 comments:

Post a Comment

Related Posts Plugin for WordPress, Blogger...

 
Design by Wordpress Theme | Bloggerized by Free Blogger Templates | coupon codes