Friday, August 9, 2013

End the History: Gilas Pilipinas Sabik na kaming makabawi sa South Korea

Matapos ang isang impresibong panalo ng Gilas laban sa Kazakhstan kagabi sa Mall of Asia (MOA) Arena ay nakatakbang sumabak muli ang koponan mamaya laban sa South Korea para sa Semi Final ng FIBA Asia 2013.

Ito ay matapos talunin ng South Korea ang Qatar kagabi rin sa kanilang knock out game quarter finals.

Gigil ng makabawi ang mga pinoy sa South Korea, alam natin ang history ng ating team kung nakakaharap natin sila.

Kung inyong matatandaan, simula pa ng 1985 Asian Basketball Championship ng huli tayong maka-ungos laban sa mga Koreans.

Noong taong iyon, sina naturalized players Jeff Moore at Dennis Still, stars Hector Calma, Samboy Lim, at Allan Caidic ang gumiba sa South Korea sa score na 76-72.

Iyon ang huling title ng Pilipinas sa Asian Basketball Tournaments.

1987

Taong 1987 ng makaharap ng Pilipinas ang Korea sa Asian Championship Tournament at nagsimula ang ating paglasap ng pagkatalo sa mga Koreans. Natalo ang Pilipinas sa score na 105-88.


1998 
Taong 1998, ibinandera ng Pilipinas ang Centennial Team na pinamumunuan ng Star Point Guard Johnny Abarrientos at Sentrong si Marlou Aquino.

Nilasap muli ng mga pinoy at pagkatalo sa kamay ng mga Koreans sa pinakamasaklap ng pagkatalo sa tambak na score na 103-83.

2002 

Taong 2002, sino bang hindi makakalimot sa bangungot na ito sa mga pinoy. Ito lang naman ang hindi malilimutang buzzer beater ng mga Koreans matapos masablay ni Olsen Racela ang dalawang free throw na magbibigay sana sa Pilipinas ng apat na kalamangan.

Ngunit sablay ang nasabing free throws at nagawang mai-shoot ni Lee Sang-min at isang 3 point shot at bumasak sa ingay ng mga pinoy.

Natapos ang laban sa score na 69-68. Si coach Jhong Uichico na coach ng San Miguel at nanguna para sa Pilipinas na inaming kasalanan niya kung bakit natalo. "No one to blame but me" ani Uichico.

2009 

Taong 2009,  pinamunuan ni Choach Yeng Guiao ang Powerade Team Pilipinas ngunit hindi tayo pinalad na pumasok kahit sa Semi Finals. At ang Koreans na naman ang ating nakaharap para sa 7th and 8th seed spot.

Ngunit kahit sa mababang labang ito para sa placer ay hindi pa rin tayo nakaungos. Tinapos ang Powerade Team ng Koreans sa iskor na 82-80 buhat sa isang lay-up ni point guard Yang Donggeun na may 2 segundo pang natitira.

Mintis naman ang 3 point desperation shot ni James Yap. Bigo na naman.


2010

Giniya ni Coach Rajko Toroman ang SMART-Gilas Pilipinas at muli na naman nating nakaharap ang mga Koreans sa Qarter Finals match ng Asian games.  

Pinangunahan ito ng mga players na sina Asi Taulava, Sol Mercado, JVee Casio at Kelly Williams. Ngunit hindi pa rin sapat dahil matapos ang early lead na 19-15 at hindi muling nakahabol pa ang Pilipinas. 

Napatalsik ang Pilipinas matapos matalo sa score na 74-66. Talo na naman.


2011

FIBA Asia Championship, ang Gilas Pilipinas ay nakapasok sa battle for 3rd place para makakuha ng slot sa FIBA.

Ngunit, sino na naman ang nakaharap nila? Ang mga Koreans na naman.

Sinapit na naman ng mga pinoy ang kabiguan sa mga kamay ng Koreans na nakakuha ng Bronze Medal. Player na ng Gilas sina Marcus Douthit, Jimmy Alapag Marcio Lassiter at Kelly Williams.

Ngunit sa bandang huli ay na fouled out si Douthit at sumblay ng mga free throws ang Pinas. Napakasakit na namang pagkatalo.


Ngayong 2013, mag-iba na kaya ang ihip ng hangin at tapusin na nating ang almost 28 years nating delubyo sa kamay ng mga Koreans sa basketball tournaments?

Iba na ang mga players natin, iba ang kanilang mga kapasidad. Iba ang kanilang diskarte. Sa aming palagay ay mayroon na tayong ibubuga at mayroon na tayong napaka laking tsansa.

Isa lang ang maipapapyo ko sa Gilas, lumaro tayo ng BUONG PUSO, huwag tayong MAGING KUMPIYANSA kung lamang na tayo.

Bilog ang bola. Hanggat hindi tumutunog ang final buzzer. We must play our game. That's all.


Go GILAS PILIPINAS! Win the ticket to Spain!





.  





0 comments:

Post a Comment

Related Posts Plugin for WordPress, Blogger...

 
Design by Wordpress Theme | Bloggerized by Free Blogger Templates | coupon codes