Saturday, July 6, 2013

UFC162: Silva inagawan ng Belt

Tinapos na ang pitong taong paghahari ni Anderson Silva mula p noong 2006 ngaung araw matapos talunin ni Chris Weidman.

Sa ikalawang round tinapos ng bagitong kampeon si Silva sa pamamagitan ng left hook na tumama sa mukha at nagpabagsak sa kampeon.

Bago ito, mistulang bata at turing ni Silva sa kalaban sa pamamagitan ng pagbaba nito ng depensa at patawa tawang itsura.

Bago tamaan ng suntok n nagpatulig at ngkunwari pa ito nghina para subukang sumugod ito at maktyempo. Pero si Silva ang natyempuhan at inawat n agad ito ng referee bago pa mas lumala.

Labing pitong winning streak ang ginawa ni Silva bago matalo.

Sa huli, may natutunan si Silva at lahat ng manlalaro ng Octagon, huwag maliitin at sobrang kumpyansa sa sarili. Kahit ikaw ang kampeon, tandaan mong lahat ng lumalaban sayo ay nghanda ng husto.

Sa panayam kay Silva, mayroon p dw syang 10 laban ngunit hindi nilinaw kung ano pang mga plano.

0 comments:

Post a Comment

Related Posts Plugin for WordPress, Blogger...

 
Design by Wordpress Theme | Bloggerized by Free Blogger Templates | coupon codes