Saturday, July 13, 2013

UAAP Season 76 Team Standings

Abot langit ang pagsisi ng DLSU Archers kahapon ng muli silang makalasap ng ikalawang sunod na pagkatalo sa pagbubukas ng UAAP Men's Basketball Season 76.

Ito ang ikalawa nilang pagkatalo na sa huling dalawa't kalahating minuto ng laro ay akala mong panalo na sa score na 73-60.  

Ngunit hindi sumuko ang mga taga Morayta at ibinuhos ang matinding depensa ka Jeron Teng na nagkamit ng sunod sunod na turn overs para umiskor ang mga gunners ng FEU na sina Romeo at Garcia.

Humirit ng 15-2 run ang FEU para itabla ang laro 75-75 para paglabanang muli sa extension period na Limang minuto.

Huling buslo ay kay Mark Belo na nagtabla ng laro at tumulong sa 10 puntos at sumukbit ng 13 rebounds.

Sa huli nanaig ang FEU sa iskor na 83-79 para tapusin ang apat na laro na panalo at wala pang talo.
 

Men's Srs. Basketball Standings: 

FEU 4-0 
UST 3-1 
NU 2-1 
AdU 2-1 
DLSU 2-2 
UE 1-3 
ADMU 0-3 
UP 0-3


Mamaya maglalaro sa Mall of Asia Arena sa ganap na 2pm ang NU v UP at 4pm naman ang mga wala pang panalong AdU v ADMU.

 Mapapanood ng Live ang mga laro sa Studio 23 at BALLS HD 167.

0 comments:

Post a Comment

Related Posts Plugin for WordPress, Blogger...

 
Design by Wordpress Theme | Bloggerized by Free Blogger Templates | coupon codes