Tuesday, July 9, 2013

Tatlong Unibersidad na 100% passing rate sa Nursing licensure exam

Umabot sa kabuuang 16,219 ang pumasa sa Nursing Licensure Exam ngayong taon ayon sa PRC (Philippine Regulation Commission.

At tatlo sa mga unibersidad na ito ang nagtala ng 100% passing rate. Kabilang sa mga ito ang West Visayas State University-La Paz, Cebu Normal University (Cebu State College), and University of the Philippines-Manila.

Galing naman sa Velez College (Cebu City) ang naging top 1 sa exam na si Beverly Anne Felicio Balagon sa score na 87%.

Sumunod namang ang No. 2 na si Mylene Grace Dacula Gonzaga ng West Visayas State University-La Paz na nagtala ng 86.80%.

At naghati naman sa third place sina Ma. Stefanie Palencia Reyes ng University of the Philippines-Manila, Lace Paulyn Tan Rosaroso ng UST, at Aina Fe Roldan Salem of UP-Manila. 

 Ang mga sumunod naman ang mga eskwelahang naging top sa nursing exam ay ang Chinese General Hospital Colleges, Benguet State University-La Trinidad, University of Santo Tomas, Trinity University of Asia (Trinity-QC), Saint Paul University-Dumaguete, Xavier University, Velez College, Cebu City Medical Center (CC Gen. Hosp.), and Saint Paul University-Manila. 

Ang eksaminasyon na ito ay ginanap sa Board of Nursing in the cities of Manila, Baguio, Cagayan de Oro, Cebu, Dagupan, Davao, Iloilo, Laoag, Legazpi, Lucena, Nueva Ecija, Pagadian, Pampanga, Tacloban, Tuguegarao and Zamboanga noong nakaraang buwan lamang.

0 comments:

Post a Comment

Related Posts Plugin for WordPress, Blogger...

 
Design by Wordpress Theme | Bloggerized by Free Blogger Templates | coupon codes