Monday, July 1, 2013

SSS may dagdag singil sa kontribusyon

Inanunsyo ni SSS (Social Security System) Communication Analyst Lilibeth Suralbo na si Pangulong Noynoy na lamang ang kanilang hinihintay upang maipatupad na ang karagdagang singil sa mga miyembro.

Ito ay bunsod di umano ng pagtapik sa kanila ng Pangulo upang dagdagan ang benipisyong natatanggap buwa buwan ng mga SSS pensioners.

Dahil dito iminumungkahi ng ahensya ang dagdag na 0.06% sa kabuuan ng buwanang sahod ng mga manggawa.

Ibig sabihin, kung ikaw ay naghuhulog ng P104 kada buwan, ito ay magiging P106 pesos na sa susunod. 

Sinabi pa ni Suralbo, na ang malilikom na karagdagang pondo na ito ay ang mga pensioners ang makikinabang.





0 comments:

Post a Comment

Related Posts Plugin for WordPress, Blogger...

 
Design by Wordpress Theme | Bloggerized by Free Blogger Templates | coupon codes