Wednesday, July 17, 2013

Pinas mag eexport na bigas sa Singapore

Ayon kay Agriculture Sec. Proceso Alcala, mageexport pa rin ng bigas ang bansa ng 45 metric tons (MT) ng premium oh aromatic white rice sa bansang Singapore.

Ang exportation ay gagawin sa July 22, 2013 kung saan ang bansa ay may mahigit 146,600 na overseas filipino workers (OFWs).

Sinabi ni Alcala na galing sa Koronadal, South Cotabato at Sta. Rosa Multi Purpose Cooperative sa Nueva Ecija ang mga aromatic long grain white rice.

Sa nalalabing buwan ng taong ito ay target ng pilipinas na mageexport ng may 100 metric tons ng premium at organic rice varieties.

Dahil dito, inaasahang magiging mas masigasig pa sa pagtatanim ang mga magsasaka. Ang mga lokal na magsasaka ang lubos na makikinabang sa pageexport na ito.



0 comments:

Post a Comment

Related Posts Plugin for WordPress, Blogger...

 
Design by Wordpress Theme | Bloggerized by Free Blogger Templates | coupon codes