Friday, July 12, 2013

Pagbabantay sa seguridad sa Makati mas pina-igting dahil sa mga karagdagang CCTV


Ang Makati City ang tinaguriang Business Capital sa buong bansa dahilan upang mas targetin ito ng mga masasamang loob.

Kabi-kabilang Malls, Embassy at Consulates ang mga nakapaligid sa Central Business District area sa panulukan ng Ayala, Buendia, Makati Avenue at iba pang lugar sa Makati.

Dahil dyan, mas pina-igting ng Lungsod ng Makati ang laban kontra sa mga masasamang loob na balak manggulo sa siyudad.

Pinangunahan ito ng butihing Punong Lungsod ng Makati na si Mayor Jun Binay, ama nitong si Vice President Jejomar Binay kasama ng mga opisyal ng Makati.

Binuksan at inilunsad ang mas pinaraming CCTV Cameras na magbabantay sa buong lungsod ng Makati kasunod ng misa ng kaarawan ni Mayor Binay ngayong araw July 12, 2013.
















Pinangungunahan ng Emergency Operations Center ang pagbabatay sa buong lugar sa Makati. Sila rin ang opisinang namamahala sa lokal na bersyon ng 911 na kung tawagin sa Makati ay Emergency 168 na nasasakop ng DRRMC. Ito ay pinamumunuaan din ni Mayor Jun Binay.

Humigit 115 CCTV Cameras ang inilunsad at nangako ang Lokal na Pamahalaan na daragdagan pa ito hanggang sa masakop ang kabuuan ng lungsod. 

Umaasa ang lokal na pamahalaan na dahil dito ay mas mapapaigting pa nila ang laban sa kriminalidad at ng mas lalo pa nitong mapalakas ang turismo sa lungsod.

Iba talaga ang Makati. Go Makati!



Photo Credits: Lhan Matias





0 comments:

Post a Comment

Related Posts Plugin for WordPress, Blogger...

 
Design by Wordpress Theme | Bloggerized by Free Blogger Templates | coupon codes