Wednesday, July 24, 2013

Mapasailalim ng Mayweather Promotions bagong kundisyon ni Mayweather para labanan si Pacquiao

Para bumenta nga naman at kumita ng malaki ang labang Mayweather-Alvarez ay muli na namang nag-iingay itong si Floyd Gay-Weather.

Ito ay matapos ang panay panay na pagbanggit kay Manny Pacquiao sa kanyang mga interviews at promotions patungkol sa kanyang nalalapit na laban.

Sinimulan ni Mayweather ang pag-iingay matapos sabihing "Laos" na ang ating pambangsang Kamao na si Manny Pacquiao.

Ito ay dahil daw sa dalawang magkasunod na talo at dahil raw dito ay hindi na niya kailangan pang labanan si Manny.

Ilang beses ng naudlot ang laban ng dalawa, mula sa Drug Testing hanggang sa hatian sa kikitain ng laban. Ngunit ngayon ay napikon na ata si Manny at sumagot na sa mga psaring ni Pacquiao.

Sinabi ni Manny na "kung kasali lang ang salita sa boxing eh di magsalita na lang ng magsalita, kaso hindi eh". 

Puro dada. Puro bunganga itong si Gay-Weather. Alam nya kasing tagilid sya kay Manny. Pero ngayon ay may bago na namang kundisyon itong si Mayweather, ito ay ang mapasailalim si Manny Pacquiao sa Mayweather Promotions bago niya umano ito labanan.

Hay naku, hindi na naubusan itong si Gay-Weather ng dahilan at palusot. Lumaban ka naman sa loob ng ring. Hindi puro ka dada. Puro ka satsat.

Kung nababasa mo ito Mayweather, or itranslate mo sa google. Mahiya ka naman, try mo ding lumaban pag ma time. =)




0 comments:

Post a Comment

Related Posts Plugin for WordPress, Blogger...

 
Design by Wordpress Theme | Bloggerized by Free Blogger Templates | coupon codes