Friday, July 26, 2013

Lahing Pinay: Balitang Gabi July 26, 2013



Bus Ban sa Maynila: Mayor Erap kumambyo - kumambyo si Mayor Erap tungkol sa Bus Ban sa Maynila. Ito ay matapos sabihin ng Alkalde na pwedeng dumaan ang mga Bus sa Maynila basta't mayroon itong terminal sa Maynila.

Ang Pandacan Bus ay isa sa mga pwedeng pumasok sa Maynila dahil mayroon itong terminal sa Pandacan. Samatala mayroong 27 provincial buses na pwede ring dumaan sa Maynila basta't sa mga sari-sariling ternial nila ito magbababa.

Ngunit takot pa rin ang iilang mga driver dahil sa rin sa kalituhan.



Malakihang Oil Price Rollback magsisimula mamayang hating gabi - Malakihang rollback ang magaganap buong kapuluan. Ito ang inannusyo ng mga Oil Company sa bansa maliit man oh malaking kumpnya ng langis.

Para sa Gasolina mayroon P1.70 at sa Diesel naman ay P.25 kada litro at maari pang madagdagan sa mga susunod na araw.



Panghohold-up sa mga Bus tuwing madaling araw, talamak na! - nababahala na ang mga tao sa tumataas na bilang ng mga serye ng holdapan sa mga Bus tuwing madaling araw. Ito kasi ang pinaka kaunti ang mga pasahero at mabilisang makagagalaw ang mga kawatan.

Samantala hinimok naman ni MMDA Chairman Francis Tolentino na maglagay ng CCTV sa mga bus at wag nang tangkain lumaban pa sa mga ito. Ang mahalaga tandaang mabuti ang mga mukha nito para sa mabilisang pagkaka-aresto.

Patay naman ang isang Chef at isang Call center agent matapos ang mga serye ng holdapan.





0 comments:

Post a Comment

Related Posts Plugin for WordPress, Blogger...

 
Design by Wordpress Theme | Bloggerized by Free Blogger Templates | coupon codes