Tuesday, July 23, 2013

Lahing Pinay: Balitang Gabi July 23, 2013

Pag-ulan ngayong araw - Dahil sa mahabang pagbuhos ng ulan gnayon gabi lumubog ang ilang lugar sa Metro Manila na umabot hanggang tuhod at nagdulot ng matinding trapiko.

- dahil naman din sa matinding buhos ng ulan, ilang lugar sa Commonwealth Quezon City umabot ng lagpas tao ang baha. Matagal ng pina-aalis ang mga residenteng ito na nasa mababang lugar ngunit patuloy pa rin ang pagbalik matapos mawala ang baha. - Kag. Krisanto De Lima.



Basag na mukha ng ginang natagpuan - Natagpuan ang isang ginang sa isang tubuhan sa Tanaun, Batangas mtapos mawala ng apat na araw. Basag ang mukha, saksak sa dibdib at hubo't hubad na may prewebang ginahasa pa ito matapos patayin. Sigaw ng pamilya, katarungan!



Drayber ng taksi timbok sa panggagahasa sa Pasay - matapos hintuan ang isang dalagita sa Pasig ay pinagsusuntok ito sa tyan at piangssampal sa mukha. Matapos nito at isinakay ito sa compartment at itinakbo ang taxi mula Pasig hanggang Pasay. Nang makarating sa isang madilim at madamong lugar ay dito na sapilitang ginahasa ang dalagita. 

Matapos nito ay itinapon sa harapan ng isang punerarya. Hindi naman naplakahan ang taxi ngunit natandaan naman ang pangalan nito dahilan upang mahuli ang mga suspek na sina Edgar Deguila  (Driver) at ksama nitong si Ronato Quarres.



Pag-ulan patuloy pa rin hanggang bukas - ayon sa PAG-ASA, patuloy pa ring makararanas ng pag-ulan at parteng Luzon kabilang na ang Central Luzon. Dahil na rin ito sa hanging habagat na magdudulot ng malalakas na pag-ulan. Pinapayuhan ang lahat na magdala ng payong at kung walang importanteng lakad ay manatili na lamang sa bahay.



Balitang SONA - Ang pinaka mahabang SONA ng pangulo ay nangyari noong 1969 sa dating pangulong si Ferdinand Marcos na tumagal na mahigit tatlong oras at may kabuuang 30,427 words. Samantalang kay Gloria Arroyo naman ang pinaka maiksi na may 1,551 words noong 2005. 



Balitang Petrolyo - Magtataas ng P0.50 ang mga kompanya ng langis para sa gasolina at kerosene at P0.35 naman sa Diesel.



Lebron James magiging una at huli ang pagbisita sa bansa - Kahit umuulan ay matiyagang naghintay ang mga fans ni Lebron James sa MOA Arena sa Pasay. Umaga pa lang ay mahaba na ang pila na kahit inulan at inarawan ay naghintay pa rin. Karamihan ay bumiyahe pa buhat sa iba't ibang lugar sa bansa.




0 comments:

Post a Comment

Related Posts Plugin for WordPress, Blogger...

 
Design by Wordpress Theme | Bloggerized by Free Blogger Templates | coupon codes