Wednesday, July 10, 2013

Jeric Teng hindi makakalaro sa mga susunod na games ng USTE

Matapos talunin ng NU Bulldogs and UST Growling Tigers sa laban nila kahapon sa score na 71-67 dahilan upang magtabla sila sa stadings sa score card na 2-1.

Hindi pa man natatapos ang laro sa 1st half ay nabaliaan na ng pangil ang mga taga Espana matapos magtamo ng isang shoulder injury ang prized player nilang si Jeric Teng.

Ito ay nangyari sa huling 1:16 nalalabing oras sa 2nd quarter ng masamang pagbagsak ni Teng buhat sa pagtulak ng NU Bulldog player na si  Jeoffrey Javillonar.

“Hindi ko nakita dahil galing sa likod. Hindi ko alam kung bakit niya ginawa ‘yun. Hindi naman siya screen, hindi siya steal,"  

“May tumunog eh. Magpapa X-ray pa ako. Sana wala lang ito. Pero positive naman dahil nagagalaw ko ‘yung kamay ko,”sambit ni Jeric Teng na anak ng PBA player na si Alvin Teng o mas kilala sa tawag na "Robocop".

“'May araw rin siya.' ‘Yun ang message ko sa kanya. Sa kanya rin babalik ‘yun,” dagdag pa ni Teng.

Narito naman ang mga Tweets ni Jeric matapos ang laro;

"I didn't see that coming! Your day will come trust me. God has his own ways. And I didn't know that's allowed in uaap."

"The court is big. I was near the 3pt line and nowhere near the play. What happened didn't come from screen rebound or seal. Can't believe it"

"Just hope it's nothing serious. It's my last year. I want to play. I want to win. "

 "And to clarify, I was hurt with the push. Not with the fall. I was pushed from behind that hit the back of my right shoulder."

"Watching our practice while waiting for my 3pm schedule of mri. So frustrating."


Matapos ang laban narito naman ang score sheets ng magkabilang koponan.

NU (71) - Parks 20, Mbe 17, Rosario 12, Alolino 8, Villamor 5, Javillonar 3, Rono 2, Porter 2, Khobuntin 2, De Guzman 0, Alejandro 0

UST (67) - Ferrer 20, Daquioag 13, Bautista 9, Teng 7, Mariano 7, Abdul 6, Lo 3, Pe 2, So 0, Hainga 0


 






0 comments:

Post a Comment

Related Posts Plugin for WordPress, Blogger...

 
Design by Wordpress Theme | Bloggerized by Free Blogger Templates | coupon codes