Tuesday, July 16, 2013

Fare discount sa mga estudyante kahit Sabado, Linggo at holiday isusulong

Siguradong matutuwa ang mga estudyante lalo na ang kanilang mga magulang oh ang mga nagpapa-aral sa mga ito.

Ito ay lingid sa panukalang batas na nagbibigay ng diskwento sa mga estudyante sa pasahe kahit Sabado, Linggo oh holiday.

Sa sandaling ito ay maipasa, anh House Bill 1096 na inihain ni BUlacan Rep. Ma. Victoria Sy-Alvarado na naglalayong gawing buong taon ang ibinibigay na fare discount sa mga estudyante.

Ayon sa Representante ng Bulacan, ang 20% na diskwento ay nakapaloob sa memorandum circular ng Land Transportation and Franchising Regulatory Board (LTFRB).

Dapat magkaroon ding magkaroon ng batas para gawing legal ang pagbibigay ng diskwento sa pamasahe sa jip, bus, tricycle, barko at eroplano.

Sakop din ng batas ang mga medical interns at sumasailalim sa military trainings at specialized studies na kailangan magreport kahit walang pasok.

Tumutol naman ang mga grupo ng mga pasada ng iba't ibang sektor at nagsasabing dapat ibaba ang gasolina at hindi ang pasahe. Gayundin na ang LRT at MRT ang magbigay ng diskwento sa mga pasahe.






0 comments:

Post a Comment

Related Posts Plugin for WordPress, Blogger...

 
Design by Wordpress Theme | Bloggerized by Free Blogger Templates | coupon codes