Sunday, July 14, 2013

Defending Champ Ateneo nag-umpisa ng manalo

Tila nakatulong ang bagong hairdo ng Ateneo Blue Eagles sa kanilang laro kanina sa MOA Arena katapat ang host team ng season 76, ang Adamson University.

Sinandalan ng nanggigigil na Ateneo ang 6 foot 7 na si Poi Erram na kumonekta ng 10 puntos at 12 rebounds para takpan ang nagkukulang na center slot sa pagkawala ni Greg Slaugther.

Si Kiefer Ravena naman ay naglaro na ngunit halata sa laro na hindi pa siya ganun ka 100% tulad ng nakaraan.

Bagamat hindi nasandalan ng husto ng Eagles si Ravena ay tumulong naman si Tiongson ng 15 puntos, 8 rebounds, 2 assist at isang steal sa kabuuan.

Nagtapos ang laro sa score na 71-59 at umangat ng bahagya ang Eagles sa kartang 1-3 samantalang 2-2 naman ang Adamson Falcons.

Ateneo (71) - Tiongson 15, Erram 12, Buenafe 11, Newsome 10, Golla 6, Ravena 4, Capacio 4, Pessumal 3, Tolentino 2, Lim 2, Elorde 2, Enriquez 0 

Adamson (59) - Cruz 21, Cabrera 14, Brondial 8, Sewa 4, Inigo 3, Agustin 3, Rios 2, Monteclaro 2,  Abrigo 2, Trollano 0, Petilos 0 Julkipli 0

Quarterscores: 13-16, 32-28, 57-47, 71-59

0 comments:

Post a Comment

Related Posts Plugin for WordPress, Blogger...

 
Design by Wordpress Theme | Bloggerized by Free Blogger Templates | coupon codes