Saturday, July 27, 2013

Adamson Falcons hindi kinatigan ng UAAP Board

Matapos umapela ang Adamson Falcons hinggil sa laro nila laban sa La Salle noong nakaraang Miyerkules na nagresulta ng pagkatalo 67-70.

Unanimous decision ang ibinaba ng board na hindi paboran ang apela ng Adamson na muling itakda ang laro ng La Salle at kanselahin ang una nilang pagtatagpo.

Ito ay dahil na rin sa maanumalyang pagtawag ni referee Francisco Olivar Jr. kay Gian Abrigo na nagbunga ng 2 free throws para kay Torres at ball possession ng Archers.

Dikit ang laban, at dahil sa tawag na ito na iilang segundo na lamang ang natitira sa shot clock ng Archers. Dahil sa tawag na ito nawalan na ng pag-asa ang Falcons para makatabla oh masilat pa ang laro.

Ikinatwiran ng Board na hindi isang teknikalidad ang nangyaring pagkakamali kundi ang pagtawag ng referee lamang. Dahil dito suspendido si Olivar ng anim (6) na laro ng UAAP.

Maluwag namang tinanggap ng Falcons ang desisyon at hindi na muling aapela pa.




0 comments:

Post a Comment

Related Posts Plugin for WordPress, Blogger...

 
Design by Wordpress Theme | Bloggerized by Free Blogger Templates | coupon codes