Tuesday, June 4, 2013

Sumadsad na Cebu Pacific plane hindi pa rin natatanggal ngunit Davao Airport magbubukas na ngayong gabi

Hanggang sa kasalukuyan ay hindi pa rin nai-aalis ang sumadsad na eroplano ng Cebu Pacific sa Davao Airport.

Napabalitang sumadsad sa runway ng Davao ang naturang eroplano ng Cebu Pacific (flight 5J971) dakong alas tres (3am) ng madaling araw.

Kabuuang 165 na passengers ang sakay nito at hanggang sa ngayon ay inaalam pa rin ang sanhi ng pagsadsad.

Ayon naman sa CAAP (Civil Aviation Authority of the Philippines), sa inisyal nitong pag-iimbestiga ay lumabas na "human error" ang naging sanhi ngunit hindi pa rin ito pinal kung kaya't hindi pa tuluyang inilalabas.

Nagpahayag naman ng pagkadismaya ang Ateneo De Davao kung saan naglabas ito na iboycott o hindi na muling pagbili ng eskwelahan ng mga tickets sa nasabing airlines.

Sinabi ni Ateneo de Davao President Joel Tabora agn katagang "You do not deserve customers" na mariing iginigiit ang pagboycott sa Cebu Pacific.

Dahil umano ito sa naging kapabayaan ng mga staff at crew ng kumpanya ng hindi man lang nagpahatid ng impormasyon sa mga pasahero na may nangyayari na palang ganito sa eroplano.



































PInagiisipan na ring sampahan ng kaso ng Davao City Mayor Duterte ang Cebu Pacific dahil sa kabagalan nito ng aksyon na nag-uugat umano ng pagkalugi ng Davao ng mahigit P300 Milyong piso kada araw.

Napabalita na ring ngayon alas otso (8pm) ng gabi ay muli na ring bubuksan ang Davao Airport.

0 comments:

Post a Comment

Related Posts Plugin for WordPress, Blogger...

 
Design by Wordpress Theme | Bloggerized by Free Blogger Templates | coupon codes